Angel

35.4K 240 3
                                    

"This is a story about love, friendship and the art of letting go…"

Year 2010 nang maisipang magbakasyon ni Popoy sa probinsiya ng Junterial para pansamantalang makatakas mula sa magulo at maingay na siyudad ng Maynila.

Pinili niya ang Junterial dahil doon ipinanganak ang mommy niya na ngayon ay kasama na ng daddy niya sa langit. Yes, he is already an orphan.

One Friday afternoon, habang nakaupo siya sa harap ng bahay ng Tita Soledad niya kung saan siya pansamantalang nakikipanuluyan, may nakita siyang isang batang babae na nakatayo sa kabilang panig ng kalsada.

Agad niyang napansin na tila takot na takot ang bata at tila anong oras ay bubunghalit na ito ng iyak.

Nilapitan niya ito at doon niya higit na napagmasdan ang mukha ng mukha. The little girl was pretty and vulnerable.

“Bata, anong problema?” tanong niya dito.

Agad na nag-angat ang bata at tila nakakita ng kakampi. “Natatakot po kasi ako sa aso diyan sa kabilang bahay kaya hindi po ako makadiretso ng uwi,” pagku-kwento nito.

“Nasaan ba ang mga magulang mo?”

Umiling-iling ito at nagyuko ng ulo. “Pwede mo po ba akong ihatid sa amin?”

Walang pag-aalinlangang pumayag siya at hawak ang kamay ng bata ay binaybay nila ang daan papunta sa bahay ng mga ito. At habang naglalakad sila, he found out that the girl was just five years old and her name is Angel.

“Salamat po,” ani Angel nang nasa tapat na sila ng isang may kalumaang bahay. Agad itong tumakbo papasok sa loob samantalang siya naman ay bumalik na sa bahay ng tita niya.

Pero makalipas lang ang isang oras, bumalik si Angel kasama ang tita nito na ang pangalan ay Basha. Napangiti siya nang makitang may bitbit na Stick-O si Angel at iniabot sa kanya.

“Pa-thank you niya raw sa 'yo. Salamat sa paghatid sa pamangkin ko,” sabi ni Basha na katulad ni Angel ay maganda rin. Hindi yata nalalayo ang edad niya sa edad nito.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan nilang tatlo. Sa mahigit isang buwang pananatili sa Junterial ay lagi na niyang inaabangan si Angel sa harap ng bahay ng tita niya at ihahatid niya sa bahay ng mga ito.

Hanggang sa unti-unti ay naging malapit ang loob niya kay Basha. Napag-alaman niyang kapatid pala nito ang nanay ni Angel na piniling sumama sa bagong lalaking kinakasama nito. Bale si Basha na ang tumayong nanay ni Angel sa mga nakalipas na taon.

Labis na nalungkot sina Angel at Basha nang kailanganin nang lumuwas pabalik ni Popoy ng Maynila dahil may naghihintay na trabaho sa kanya. Pero nangako naman siyang babalik siya sa oras na maayos na niya ang trabaho niya.

Subalit ang pangakong iyon ni Popoy ay hindi niya nagawang tuparin. Isang beses lang siyang nakauwi at iyon ay noong 2012 lang kung saan nagdiwang ng seventh birthday si Angel.

Hanggang sa naging madalang na ang pagpaparamdam ni Popoy kanila Angel at Basha lalo na at naging abala siya sa trabaho at bago niyang girlfriend.

Isang araw, nakatanggap ng tawag si Popoy mula kay Basha. Kung maaari raw ay umuwi siya ng Junterial kahit isang araw lang. At dahil nahimigan niya ang lungkot sa tinig nito ay nagpasya siyang umuwi.

At nagtaka pa siya nang pagpunta niya sa bahay nina Basha ay tila napakalungkot ng buong bahay. Walang Angel na sumalubong sa kanya. Si Basha lang na nakasuot ng itim na damit at halatang namumugto ang mga mata.

Niyaya siya ni Basha na sumakay sa nakaparadang tricycle sa harap ng mga ito. Hindi siya nagtanong at nagpatianod lang. Sa isang sementeryo sila humantong.

At ganoon na lang ang panlulumo niya nang huminto sila sa isang nitso na halatang bago lang.

Hindi na niya napigilang maluha nang mabasa niya ang nakasulat sa lapida. In loving memory of Angel Bertumin, 2005-2015. Bukod sa mga puting kandila at mga bulaklak, may nakapatong rin na Stick-O sa ibabaw ng nitso.

“Araw-araw ka niyang hinihintay, Poy. Ang sabi mo kasi, babalik ka. Pinanghawakan niya 'yong mga salita mo pero hindi ka dumating,” garalgal ang boses na paglalahad ni Basha. Ikwenento rin nito na mag-e-eight years old si Angel nang ma-diagnose itong may cancer.

Inilihim ni Basha ang kondisyon ng bata sa kanya dala na rin ng pakiusap ni Angel. Ayaw diumano nitong umuwi lang siya dahil may sakit ito. Gusto nito, kung uuwi siya iyon ay dahil sa kagustuhan niyang umuwi.

Napatingala siya sa langit habang tuloy-tuloy na namamalisbis ang mga luha sa mata niya. On Friday afternoon during sunset, he said goodbye to this young who once became part of his life.

Too bad he won’t be able to see Angel smile again… 

_______

So you guys, always fulfill your promise. Or better yet, huwag mangangako kung hindi naman kayang tuparin...

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon