Sa Piling Ng Mga Ulap

10.2K 64 3
                                    

Exactly one month ago, nagkayayaan kami nina Lloyd at Ely na mag out of town. Hanapin daw namin mga sarili namin sa isang lugar na hindi kami pamilyar. Gabi ng kapaskuhan 'yon. Habang nag-iinuman ang karamihan ng mga tao, kami naghahanda para sa isang biglaang lakad.


Umalis kami ng bahay na walang exact place na naisip puntahan. Basta pumunta lang kami ng Cubao at sinuyod ang mga sakayan ng bus hanggang sa makarating kami sa terminal ng Victory Liner. Doon namin nakita ang nag-aanyayang signboard na may nakalagay na "BAGUIO."


Hindi na namin kinailangang mag-usap na tatlo. Nagkatinginan lang kami at alam na naming 'yon ang lugar na pupuntahan namin. Tila dinala kami ng mga paa namin doon at sa Baguio nga nakatakda ang paghahanap namin sa aming mga sarili.


Makalipas ang mahigit anim na oras na biyahe, narrating namin ang Pine City. Sinalubong kami ng kakaibang lamig at preskong hangin. Matapos naming iwan ang mga gamit namin sa titirhang bahay, sinimulan naming libutin ang Baguio. At sa apat na araw na pananatili namin doon, halos napuntahan namin ang lahat ng mga sikat na atraksiyon sa Baguio tulad ng Burnham Park, Mines View Park, Camp John Hay (The Manor), BenCab Museum, Session Road at Tree Top.


Pero sa dami ng lugar na napuntahan namin, pinaka nag enjoy ako sa Burnham Park. Doon kasi naranasan ulit naming maging bata. Yung tipong nagkarera kami nina Lloyd sakay ng kanya-kanyang bike. Sobrang saya ng experience. Para kaming mga bata na panay tawanan at harutan. Sa Burnham Park rin kami uminom ng Chocolate De Batirol na napakasarap.


Espesyal din sa 'kin ang session road dahil doon kami naglakad-lakad habang iniisa-isa naming tatlo ang mga pangarap namin sa buhay. Para kaming nasa pelikula. At kaming tatlo ang bida.


Isang buwan na ang lumipas. Pero hanggang ngayon, baon ko pa rin 'yong masasayang moment naming tatlo sa Baguio. Hindi man perpekto ang Baguio dahil napagkamalan kaming masasamang loob matapos naming magpamasahe, mag-abang ng taxi for almost two hours, sigawan ng dalawang manong habang nasa kalagitnaan kami ng pagsho-shoot ng short film namin, pumunta ng BenCab museum pero umuwing luhaan dahil sarado pala sila pag Monday (weird), but still, nangibabaw ang masasayang alaala. At nahanap rin namin ang aming mga sarili.


At alam ko, babalik ulit kami ng Baguio. At baka sa panahong 'yon, kasama na namin ang kanya-kanya naming partner. Ang saya siguro no'n. May yayakap na samin habang nangangatal kami sa lamig. HAHA.


Kayo, anong kwentong Baguio niyo?

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon