Let Me Be The One - 06

6.4K 83 3
                                    


KANINA pa hindi mapakali sa kinauupuan niya si Bea. Malapit nang mag-alas dos ng hapon. Dapat ay kanina pa dumating si Cj dahil ala-una ang usapan nilang magkikita sila para manood ng bagong movie offering ng Star Cinema.


Sinubukan na niyang tawagan ang celphone ng nobyo niya pero maging iyon ay hindi niya ma-kontak. Wala sa sariling napatingin siya sa hawak na dalawang tickets. Darating ka pa ba, Cj?


Mabilis na lumipas ang mga segundo at minuto pero walang Cj na dumating. Hindi niya maiwasang isipin na baka gumaganti sa kanya ang nobyo niya dahil noong nakaraang Sabado ay hindi siya dumating sa tipanan nila dahil sa biglaang family outing na inanunsiyo ng mommy niya pagkatapos ng tutorial session nila ni Lloyd. At sa halip na ito ang kasama niya sa outing na iyon, si Lloyd ang nakasama niya. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang nagtatampo ito sa kanya. Kaya nga siya mismo ang nag-insist na manood sila ng sine ngayon. Gusto niyang bumawi. Pero bakit wala ito ngayon?


Pagkalipas ng dalawang oras na hindi pa rin dumarating ang nobyo niyang si Cj ay nagpasya na siyang tawagan si Lloyd.


"I need you," agad na sabi niya dito nang sagutin nito ang tawag niya. "I need you, Lloyd," aniyang medyo napapahikbi na dahil sa sama ng loob.


"Are you crying? Wait, nasaan ka ba?"

Sinabi niya dito kung nasaan siya. "I'll be there in less than thirty minutes. Hold on to your tears."


Pinutol na ni Lloyd ang tawag. Siya naman ay alumpihit pa rin mula sa pagkakaupo niya. She was starting to feel helpless. At nang makita niyang papalapit sa kanya si Lloyd ay hindi na niya napigilan ang sarili na sugurin ito ng yakap.


"Hindi niya ako sinipot, Lloyd. Galit siya sa akin..."


"Ssssshhh. Hindi niya alam kung ano ang mawawala sa kanya dahil sa hindi niya pagsipot sa iyo sa ngayon. Huwag mong aksayahin ang oras mo sa taong hindi ka naman kayang intindihin."


"Ganoon lang iyon? Paano naman itong ticket ko? Sayang. Tayo na lang kaya ang manood?"


"Nope. Ayoko. Baka kapag nasa loob na tayo ng sinehan ay ma-imagine mong si Cj ang kasama mo tapos tsansingan mo pa ako."


Iningusan niya ito. "Ano ka, sinuswerte? So anong gagawin ko sa ticket na 'to?"


Kinuha nito ang ticket mula sa kanya at saka iyon iniabot sa dalawang nagdaang tila magbarkada.


"Solve ang problema mo, nakagawa ka pa ng maganda para sa kapwa mo. Tara, hatid na kita sa inyo." Hinila na siya ni Lloyd palabas ng mall.


Pilit siyang kumawala dito. "Teka nga! Ayoko pang umuwi. Samahan mo na lang muna ako dito."


Umiling si Lloyd saka tinapik-tapik ang bitbit nitong bag na noon lang niya napansin. "May lakad ako. Hindi kita masasamahan ngayon. As a matter of fact, maiiwan na akong ng last trip kung hindi pa ako aalis ngayon."


Lumabi siya. "Saan ka pupunta?"


"Kasal ng pinsan ko bukas. Hayaan mo, babalik din naman agad ako bukas. You won't miss me that long."

"Kung sumama kaya ako sa iyo? Tutal wala naman akong gagawin. Besides, hindi pa ako nakaka-attend ng totoong kasal in my entire life."


"Papayagan ka ba naman ng parents mo?"


"Magpapaalam naman ako. Besides, I think papayagan nila ako lalo na at malaki ang tiwala nila sa iyo." Simula nang maging magkaibigan sila ni Lloyd, naging constant topic na ito sa bahay nila. Kaya nga nang dalhin niya ito sa bahay nila para sa tutorial session nila ay malugod na tinanggap ito ng mga magulang niya.

Minsan nga ay naiisip niyang mas malapit pa ang parents niya kay Lloyd kaysa sa sarili niyang boyfriend na si Cj.


Luckily, pumayag ang parents niya na sumama siya kay Lloyd dahil maging ang mga ito ay may biglaang lakad kinabukasan kaya cancelled ang family day nila. In less than an hour ay naihanda niya ang mga gamit na dadalhin niya sa Marippippi Island at narating nila ang bus terminal kung saan sila sasakay.


Nang sumampa sila sa bus ay tuluyan nang nawaglit sa isip niya ang nobyong si Cj at napalitan ng excitement ang buong sistema niya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na mag-a-outo-of town siya ni hindi niya kasama ang kanyang pamilya.


Hindi niya namalayan na along the way ay nakaidlip pala siya habang nakasandal siya sa balikat ni Lloyd. Marahang tapik sa pisngi ang nagpaggising sa kanya. Nang tuluyang bumalik ang diwa niya ay nahinuna niyang nakahinto na ang bus at silang dalawa na lang nasa loob niyon.

Pagsasawain pa sana niya ang mata niya sa ganda ng lugar nang mapansin niyang matamang nakatitig sa kanya si Lloyd-partikular na sa mga labi niya.


Suddenly, she felt awkward. "T-tara na?" pati boses niya ay bahagyang nanginig dahil sa epekto ng pagkakatitig sa kanya ni Lloyd.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon