Let Me Be The One - 02

8.8K 99 5
                                    

NANG matapos ang Algebra class nina Bea ay hindi na siya mapakali. Absent na naman si Lloyd. Iyon ang pangatlong beses na hindi ito pumasok sa klase nila. At nag-aalala na siya dito. Hindi naman nito ugaling umabsent. Nagsimula lang ang sunod-sunod na pag-absent nito simula nang idaos ang acquaintance party.


Dahil wala na siyang kasunod pa na subject ay nagpasya siyang hanapin si Lloyd-iyon ay kung tama ang hinala niyang sa Algebra class lang ito hindi pumapasok. Nagtanong-tanong siya sa mga HRM student kung nakita nang mga ito si Lloyd. May isang nakapagturo sa kanya na madalas daw tumambay sa Randella's Café ang binata. Ang Randella's ay isang internet shop na malapit lang sa vicinity ng LNU. Minsan na siyang nakapagpa-print ng project niya doon.


Walang pag-aalinlangang nagtungo siya sa naturang café. At tama nga ang sinabi ng nagturo sa kanya na naroroon si Lloyd.


Naabutan niya itong naglalaro ng dota. Biglang nag-init ang pisngi niya. All this time na halos maturete siya sa pag-aalala dito, andito lang pala ito at naglalaro ng dota!


"Lloyd..." tawag niya dito. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili niya. "Lloyd!" ulit niya sa pagtawag niya dito nang hindi man lang siya nito lingunin sa una niyang pagtawag. This time ay nakuha na niya ang atensiyon nito.


Dagli itong napatayo mula sa pagkakaupo sa monoblock chair. "B-bea... anong ginagawa mo dito?"


"Ako yata ang dapat na magtanong niyan sa iyo. Anong ginagawa mo dito? Tatlong araw ka nang absent sa Algebra class natin. I actually thought that you have a valid reason for skipping class. But guess I was wrong," she turned her back and started walking out of that goddamn internet café.


Nang tawagin ni Lloyd ang pangalan niya ay ni hindi niya ito nilingon. Nagtatampo siya dito. Sa loob ng maikling panahon na pagkakakilala nila ay hindi siya nahirapang ituring itong kaibigan lalo na at nakita niyang iba ito kaysa sa tipikal na mga teenagers-katulad ni Cj. Just like Cj, she regarded Lloyd as someone who's sensible, charming, intelligent, hindi mabarkada at lalong hindi pabaya sa pag-aaral. But she was such a fool to believe on that.


Hindi pa man siya masyadong nakakalayo ay naramdaman niya nang may humawak sa isang braso niya. "Bea, hayaan mo naman akong mag-explain," it was Lloyd.


Hinarap niya ito. And seeing him beg like that, parang biglang lumambot ang puso niya. Bigla niyang na-miss ang seatmate niya sa Algebra class na siyang napagku-kwentuhan niya nang kung ano-ano bagay tungkol sa buhay niya. During those three sessions that he was absent, she missed him terribly. Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang umiyak.


Agad naman siyang niyakap ng binata at hinayaan sa dibdib nito siya umiyak nang umiyak. "Alam mo bang nakakainis ka? Pinag-alala mo ako nang husto. Ni sagutin ang text at tawag ko, hindi mo ginawa. Ang akala ko tuloy may masama nang nangyari sa iyo kaya tatlong araw ka nang absent. Iyon pala-"


"Sssshhhh..." putol nito sa pagsasalita niya. "I said sorry na nga, di ba? Sorry na. Huwag ka nang umiyak, please?"

Marahang tinampal niya ito sa pisngi. "Naiinis pa rin ako sa iyo. Dahil sa kaka-absent mo, wala tuloy akong masabihan nang tungkol sa development ng relationship namin ni Cj." Kay Lloyd lang kasi siya panatag na magkwento ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya. Alam kasi niyang kailanman ay hindi siya nito huhusgahan-he would just listen.


Hindi niya alam kung bakit biglang parang nagbago ang expression ng mukha ni Lloyd nang banggitin niya si Cj. Mula sa pagiging apologetic ay naging blangko ang expression ng mukha nito.


"Tara na, hatid na kita sa inyo," sa halip ay yakag sa kanya ng binata. Hindi na siya nagsalita pa. It seems like he's not in the mood to talk-o baka mayroon siyang nasabing hindi maganda para dito.


Hindi na siya tumutol nang ihatid siya nito hanggang sa bahay nila. Before he leaved, she made him promise that he would attend the class again. Natuwa naman siya nang tumango ito. Nang mga sumunod na linggo ay naging napakasaya niya. She was happy with her relationship with Cj, and she's also glad that she had her best friend back. She just realized lately that Lloyd was closest friend that she have. And so she labelled him as her "best friend".

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon