Kriiiinnnngggg! Kriiiinnnngggg! Kriiiinnnngggg!
Ang tunog na iyon ng alarm clock ang nagpagising sa akin. Kung sa bahay namin ay papatayin ko lang ang alarm at babalik akong muli sa pagtulog, ngayon ay hindi iyon ang ginawa ko.
Kinapa ko ang bedside table kung saan nakapatong ang alarm clock na minana ko pa sa mommy ko at saka iyon pinatigil sa kaka-kiriring.
Tumayo ako ng kama at dumiretso sa bintana na natatabingan ng manipis na kurtina na hinawi ko rin naman para tuluyang makapasok ang sinag ng araw.
“Good morning sunshine. Good morning Philippines!” masiglang bati ko sa sarili ko saka nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili ko.
Marami akong gagawin sa araw na ‘to. Bilang bagong lipat sa bagong titirhan ko, marami pa akong gamit na wala sa tamang ayos. Pero hindi pa man ako nakakapagsimulang buksan ang naglalakihang karton sa sala na siyang naglalaman ng mga gamit ko ay pumailanlang na sa buong kabahayan ang ringing tone ng celphone ko.
“Mudrakels, ang aga mo yatang tumawag?” bungad ko sa mommy ko na nakikini-kinita ko nang nakataas ang magkabilang kilay kung saan man ito naroon ngayon.
“Ano ‘tong kalokohan mo, Rachelle? Ang sabi ni Ising ay naghakot ka raw ng mga gamit mo? Nawala lang kami ng daddy mo ng tatlong araw, naglayas ka na ng bahay.” Ang Ising na tinutukoy ni Mommy ay ang Mayordoma slash yaya ko simula noong bata pa ako.
“Mommy…”
Narinig kong tumikhim sa kabilang linya ang as usual ay OA kong mommy. “Don’t tell me na nagtanan ka, anak? You should have told us. Maiintindihan ka naman namin ng—”
“Mom! It’s not what you think!” agad na putol ko sa sasabihin niya. “Alam ni daddy ang tungkol sa bagay na ‘to. And the very reason kaya ka niya niyayang magbakasyon sa Cebu ay para makalipat ako ng bahay na hindi mo nalalaman. Because we both know na kapag nagpaalam ako sayo, hindi ka na naman papayag. Just like what you always do two years ago.”
Nagkasundo kami ni daddy na magbabakasyon ang mga ito sa Cebu para malaya akong makapag-lipat ng mga gamit ko from Makati papunta sa apartment na inuupahan ko dito sa Quezon City.
BINABASA MO ANG
Love. Sex. Escapade. [One-Shots]
Kısa HikayeSa mga napaiyak ng mga short stories ko, I'm happy na nagustuhan niyo po ang bawat kwentong nakapaloob sa post na 'to. Love you guys! This is a compilation of short stories which are not-so-wholesome! Haha. Anyway, kinikilig ako sa mga nagko-commen...