February 14, 2014
Valentine’s Day
* * * * *
Monique
“Girl, sige na sumama ka na samin. Alam mo, kahit hindi ka mag-review, I’m sure naman na perfect pa rin ang score mo sa Statistics,” pangungumbinsi ulit ng kaibigan kong si Fiona na boardmate slash classmate sa university na pinapasukan ko kung saan kami kumukuha ng kursong BS Biology.
Unlike me na sobrang introvert at mas gustong magkulong sa room namin para magbasa, Fiona was the outgoing and carefree type. Madalas itong laman ng mga bars at pati na rin sa guidance office since Fiona always breaks the rules in our school. She’s just lucky that her aunt is a school official kaya hindi siya madaling ma kick-out.
“I can’t. Besides, ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ko type ang mag bar hopping? It’s not just my thing, okay?”
Ngumuso sa akin si Fiona. “Sige na, isang beses lang. After this, hindi na ulit kita kukulitin. Besides, Valentine’s day ngayon tapos magmumukmok ka dito sa room natin.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Kung pagbibigyan ko siya tonight, hindi na niya ulit ako kukulitin kahit kailan. Meaning, I’ll skip all the “no and please” arguments every Friday and Saturday night.
“Fine. But you have to promise me that after tonight, you won’t bother me anymore at hahayaan mo na lang ako sa mga trip ko sa buhay. Okay?”
“Okay!” nakangiting sagot nito sakin.
Ipinatong ko sa study table ang book na hawak ko at tumayo para lumapit sa closet ko. “The problem is, wala akong dress nap am-party,” sabi ko sa sarili ko na hindi ko sure kung umabot sa pandinig ni Fiona.
“I’ve already taken care of that.” At parang isang fairy God mother na naglabas ng isang magandang dress si Fiona mula sa closet niya na may kasama pang isang pares ng stiletto.
“This dress is beautiful! Where did you get this?” despite my being nerd, marunong pa rin naman akong mag-appreciate ng isang magandang damit na sigurado akong mamahalin base pa lang sa tela ng damit.
“I got it from my mom’s closet,” sabi ni Fiona sabay bungisngis. Her mom was a well-known socialite.
BINABASA MO ANG
Love. Sex. Escapade. [One-Shots]
ContoSa mga napaiyak ng mga short stories ko, I'm happy na nagustuhan niyo po ang bawat kwentong nakapaloob sa post na 'to. Love you guys! This is a compilation of short stories which are not-so-wholesome! Haha. Anyway, kinikilig ako sa mga nagko-commen...