CHAPTER 02:

3 2 0
                                    

📌EMPRESS📌

Mabilis na nakakilos ang taong nakasuot ng itim na salakot sa mukha..

"Sino ka!?"

Pasigaw na tanung ng isang matandang lalaki sa taong nakasuot ng salakot sa mukha.. "Nais kong ipaalam mo sa hari na buhay ang anak ng Emperor at Empress.."

Napaatras ang matandang lalaki ng tumalon ang taong nakasuot ng itim na salakot.. "M-magpakilala ka? P-paano kami maniniwala sa isang estranghero."

Nakangising nakatitig ang taong nakasuot ng salakot na tanging mga mata lang ang nakikita ngunit ang kabuuan ng mukha ay nakatakip ng itim na salakot..

"Ipapaalam mo ba sa hari na buhay ang tunay na nagmamay ari ng palasyo o dito na kita papatayin?"

"I-papaalam ko sa hari ang nais mong ipaalam sa kanya.. W-wag mo lamang akong papatayin."

Nanginginig ang mga kamay ng matandang lalaki na umaatras habang umaabante ang mga paa ng estranghero na nakatayo sa harapan nito..

"Hindi ko na kailangan pang ipakilala ang aking ngalan, nais ko lang malaman ng hari na buhay pa ang anak ng Emperor."

Tinalikuran na ng taong nakasuot ng salakot ang matandang lalaki tumakbo ito at tumalon sa isang puno hanggang sa hindi na ito nasilayan ng matandang lalaki..

"Mahal na hari may kailangan kayong malaman.."

"Ano iyon? Bakit humahangos ka, hampas lupa?"

Nanginginig na yumuko ang matandang lalaki na sinabihan ng hampas lupa.. "M-may kailangan kayong malaman."

"Ano iyon?"

Halos mangatal na ang matandang lalaki hindi alam kung kailangan ba niyang sabihin ang kaniyang nalaman. "M-may estranghero po akong n-nakasalubong kanina, mahal na hari."

Naka tingin lang ang hari sa matandang lalaki na nanginginig pa ang labi.. "B-buhay daw po ang anak ng Emperor at Empress.."

Hindi makapaniwalang tumingin sa harapan ang hari kung saan narinig din ng mga ministro at mga mahahalagang tao na nakikipag pulong sa hari..

"T-totoo bang buhay ang tagapagmana?"
"Paanong nangyari iyon?"
"Ang sabi mo ay patay na ang batang babae kasama ang Empress at Emperor."

Hindi nakapagsalita ang hari nanginginig sa takot at galit dahil may magiging kakompetensiya na ito sa palasyo at korona na nasa kanyang ulo..

"Hanapin ang nagiisang Empress.."

Maaga pa lang ay nagtungo na si Evericfila at Maestra sa isang matirik na bundok kung saan sinasanay ang mga babaeng mandirigma.. "Narito na tayo sa lugar kung saan marami kang matututunan, mahal na Empress."

"N-nanay!! Wag niyo po akong tawaging Empress.."

Nakangiting tumango ang maestra at ipinakilala na niya ito sa lahat bilang isang anak na kagagaling lang sa isang kumbento sa malayong lugar.. "Magsimula kana sa pagsasanay, anak."

Nakangiting tumango si Evericfila sa maestra.. Sinimulan na nila ang iba't ibang pageensayo sa paghawak ng espada hanggang sa pakikipag laban.. Isinunod naman nila ang paghagis ng maliliit na patalim at ang pag hawak ng pana na may lason..

(Completed) The Last EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon