Chapter 05

5 2 0
                                    


📌 Plano 📌

Hindi namalayan ng mga guwardiya civil ang pagpasok ng isang taong nakatakip ng itim na salakot nakasuot ito ng itim na kamiso na may sira sira sa tagiliran..

Mabilis na tinungo ng taong nakatakip ng itim na salakot sa mukha.. Nangunot ang kanyang noo ng mahanap na nito ang taong naka maskara..

"Hindi mo siya kailangang patayin.."

Napalingon si mang berto na nakasuot ng maskara sa mukha pamilyar sa kanya ang tinig.. "E-Evericfila?!"

"Ako nga po Mang Berto, hindi parin kayo nagbabago pamilyar parin ang aking tinig para sa inyo.."

"M-mahal na Empress.."

Mabilis na hinila ni Evericfila si Mang Berto paalis sa loob ng palasyo ng mapansin niyang gumalaw ang mata ng hari na masarap na ang tulog..

"A-anong ginagawa mo dito, iha?"

Napabuntong hininga na lamang si Evericfila bago sumagot.. "Narito ako upang pigilan ka sa iyong plano.. May plano ako hindi niyo maaring gawin ito ikapapahamak niyo ito."

"Umalis na kayo!! Magtungo kayo kay ama at sabihin sa kanya ang aking plano.. Iyon ang susundin natin hindi ang planong nais niyo."

Tumango si Berto at umalis ito ng makitang nakalabas na ng palasyo si Berto ay mabilis na kumilos si Evericfila.. Kailangan muna niyang makuha ang lahat ng papeles na itanago ng hari.

"Nasaan ba ang papeles na iyon?"

Nakapagtago sa gilid ng mesa si Evericfila ng magising ang hari.. Nakita naman ni Evericfila ang mga papeles na kinuha ng hari sa isang masikip na aparador sa kanyang gilid..

"Sigurado akong iyon na ang mga papeles na sinabi ni ministro sa akin."

Kanina lang ay pinuntahan siya ng dalawang ministro at sinabing kailangan makuha ang mga papeles sa hari.. Isa iyong patunay na nagkasala ang hari sa lahat ng mamamayan lalo na sa tunay na Emperor..

Ama, Ina... Malapit na, konting tiis na lang!

"Akin ang lahat ng ito... Hindi ako papayag na maangkin muli ang aking trono."

Nakangising turan ng hari na narinig naman ni Evericfila.. Mabilis na napaayos ang hari ng dumating at pumasok ang kanyang kanang kamay.. "Mahal na hari may problema tayo!"

"Ano iyon?"

May ibinulong ang kanang kamay ng hari na ikinalaki ng mga mata nito.. "Kung ganoon patayin ang lahat ng opisyales na nais akong umalis sa tronong ito."

"Makakaasa kayo, mahal na hari."

Lumabas ang lalaki samantalang hindi alam ni Evericfila kung ano ang uunahin niya, ang mga opisyales na magluloklok sa kanya o ang papeles na magiging patunay sa pagbagsak ng kasalukuyang hari.. "Guwardiya!!"

Sigaw ng hari kaya naman pumasok ang isa at ibinigay ang mga papeles.. "Sunugin mo ang lahat ng magiging ebidensya.. Sunugin mo itong lahat at wala kang ititira.."

Tumango lang ang lalaking guwardiya na pumasok sa silid ng hari.. Tumayo ang hari at lumabas kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Evericfila na makaalis at masundan ang lalaking gwardiya na pinagbigyan nito ng mga papeles..

(Completed) The Last EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon