Chapter 09

3 1 0
                                    

📌 The Traitors📌

"S-sino sa inyo ang espiya?"

Panguulit ni Evericfila sa dalawa hindi naman nakapagsalita sina Gio at Melvin Jay dahil hindi naman nila alam ang tinutukoy ni Evericfila sa kanila..

Sino nga ba ang espiya?

"Isa ba sa inyo ang espiya?"

Walang paligoy ligoy na tanung muli ni Evericfila sa dalawa na hindi nagsasalita dahil wala naman sa kanila ang traitors..

"Isa akong heneral at hindi espiya?"

"Kahit kailan hindi ako magiging espiya, mahal na Empress.."

Napabuntong hininga na lang si Evericfila nadismaya dahil hindi niya kilala kung sino ang espiya..

"Isa pang rason kung bakit kayo narito, bukas ng hating gabi nais kong ikalat niyo ang mga kawal dito sa kabuuan ng palasyo.."

"Bakit kamahalan?"

Napabuntong hininga si Evericfila bago tumingin sa dalawa.. "Nais nilang pagtangkaan ang aking buhay, nais nilang pumasok dito sa loob ng aking palasyo."

Nakatungo ang dalawa habang nakikinig sa sinasabi ni Evericfila ang huling Empress.. "kailangan kong malaman kung sino ang espiya ng sa ganon ay walang mamamayan ang mapahamak dahil sa akin.. Maari niyo ba akong tulungan para iligtas ang lahat maliban sa akin.."

"M-maari kong hanapin palihim ang espiya, Empress."

Napangiti si Evericfila ng mag boluntaryo si Melvin Jay..

"Tss! Pasikat din ito."

Sinamaan ni Evericfila ng tingin si Gio ng marinig niya ang sinabi ng Heneral habang masama namang nakatingin ito kay Melvin Jay na nakangiti lang na nakatingin naman kay Evericfila..

"Manahimik ka, Gio."

Napabuntong hininga si Gio at kunwaring izinneper ang bibig habang masama parin ang loob kay Melvin Jay..

"Maari na kayong magpahinga, bukas ay kakausapin ko sina Maestra at Benita."

Tumango ang dalawa at sabay na lumabas ngunit natigilan sila ng makitang nakikinig pala si Rhea, nakaramdam ng pagdududa si Gio sa dalagang napayuko ng magtama ang kanilang paningin.

Pumasok na ng silid si Evericfila para makapagpahinga hanggang sa makatulog na ito..

Naimulat ni Evericfila ang kanyang mga mata ng marinig ang mga nagkakagulo sa labas ng kanyang silid.. "Mahal na Empress!! Mahal na Empress.."

Napabangon si Evericfila dahil sa boses ni Rhea ang kanyang kanang kamay.. "Empress! Empress nanganganib ang palasyo.."

Pagbukas ni Evericfila ng pinto halos mapaatras siya ng bumungad sa kanya ang espada na hawak ni Rhea..

"Labas!"

Nakangising turan ni Rhea kaya naman lumabas si Evericfila kaya napalingon sina Gio at Melvin Jay na may hawak na espada at nakatutok ito sa mga kaaway na guwardiya civil..

(Completed) The Last EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon