📌 Ang Pagbabago 📌
Masayang naglalakad ang mga tao, panay ang pasok labas ng mga ito sa loob ng palasyo.. Ilang buwan na din ang lumipas matapos ang pag atake ng mga kaaway, ipinalibing ni Evericfila si Rhea sa magandang palibingan sa kanyang palasyo.. Nais niyang araw-arawin ang pagdalaw ng sa ganon ay makapag pasalamat pa ito sa namayapang kaibigan.
"Empress ayos ka lang ba?"
Napalingon at ngumiti si Evericfila kay Melvin Jay na nasa likuran nito habang nakatayo sa tapat ng puntod ni Rhea..
"H-hindi ko inakalang ibubuwis ni Rhea ang kanyang sarili para lang iligtas ako.."
Lumapit si Melvin Jay at tumitig sa puntod na kaharap nila.. "Hindi ko nasabi sa kanya na gusto ko siya simula pa lang nung una kaming nagtagpo.."
Alam ni Evericfila kung sino ang tinutukoy nito at walang iba kundi si Rhea.. "Walang kahalintulad ang katangian niya.. Walang kasing husay niya sa pagpapatawa at pagpapagaan ng kalooban ng iba at iyon ang nagustuhan ko kay Rhea."
"Masyado din siyang mabait at masarap kasama kaya siguro marami ang napapahanga nito.."
Tatango tango ang dalawa inaalala ang mga nagdaang araw na nakasama nila ang dalaga..
"Kayo, kumuzta kayo?"
Napalingon naman bigla si Evericfila kay Melvin Jay na may nagtatanung na tingin.. "Sinong kami?"
"S-si heneral Gio... Kapag nakita niyang magkasama tayo siguradong mag aalburuto iyon sa inis."
Napapailing na lang sina Evericfila at Melvin Jay dahil sa naiisip nilang dalawa dahil tama naman na makakaramdam iyon ng inis dahil sa selos..
"Ang totoo niyan ay hindi ko pa siya nakakausap umpisa ng mailibing si Rhea.."
"Nais mo ba siyang makita, Empress?"
Napailing si Evericfila at hindi agad nakapag salita dahil sa tanung ni Melvin Jay sa kanya..
"Nais ko man, n-ngunit kailangan kong unahin ang kapakanan ng buong palasyo, Jay."
Napatahimik silang pareho at tatango tango.. "Iwanan na muna kita dito, Empress."
"Sige, salamat."
Umalis si Melvin Jay at naiwanan si Evericfila habang nanatili ang tingin sa puntod ni Rhea..
"Maraming salamat sa lahat, Rhea."
Umalis na ito sa harap ng puntod at hinarap ang kanyang kababayan kasama na ang mga taong naninilbihan at naninirahan sa loob ng palasyo..
"Magandang Umaga sa lahat nais kong magpasalamat sa inyo, sa tiwala at ipinapangako ko habang narito ako sa trono aayusin natin ang mga bagay na sinira ng dating hari ang mga palayan na ninakaw sa inyo ay ibinabalik ko na at ang mga kabukiran ng mga magsasaka ay maaari ng maibalik sa dati kung saan lahat ng tao ay nagtutulungan at nagkakaisa.. Wala na ni isa sa inyo ang mapapahamak hanggat narito ako."
"Salamat Empress.."
"Napakabuti mo Empress.."
BINABASA MO ANG
(Completed) The Last Empress
Historical FictionThe Last Empress Historical Fiction (Action-Suspense) Main Character: Evericfila Alindogan Description: Ang pinakahuling empress sa taong 1750 Ano ang kailangan niyang tapusin? Ano ang kanyang hangarin?