Chapter 04

1 1 0
                                    

📌Kakampi📌

"P-paano mo maproprotektahan ang Empress?"

Iyon agad ang pambungad ng maestra sa ama-amahan ni Evericfila. "Ano bang nabuong plano sa iyong isipan?"

"Si Berto na ang papatay sa hari.."

Natawa ng bahagya ang maestra at malakas na binatukan ang ama-amahan ni Evericfila.. "Ikaw ba ay may lahing baliw? Ipapapatay mo ang hari sa iyong kaibigan? Anong klaseng pinuno ka kung ipapahamak mo ang mga tao sa iyong paligid!?"

Napayuko at napailing na lang ang kausap ng maestra mas lalong napapahiya sa sarili dahil may punto naman ang kanyang sinasabi.. "Wala na akong alam na pagpipilian.. Gagawin ni Berto ang lahat upang protektahan ang tunay na tagapagmana.."

Mas lalong naaasar at napamewang ang maestra sa inis at pinangsingkitan pa ang kaharap.. "Matandang lalaki, magisip ka muna bago ka gumawa ng kabaliwang hakbang.."

Tinalikuran ng maestra ang ama-amahan ni Evericfila magsasalita pa sana ito ngunit natigilan siya ng may humawak sa balikat nito.. "Tama po ang aming maestra.. Dapat po ay nagiisip muna po kayo ng maayos."

Tinapik naman ng taong iyon ang balikat ng matandang lalaki bago na naman tinalikuran ito..

"Ang mga babae talaga!! Hindi man lang ako pinatapos magsalita."

"Ama, maari ba tayong magusap?"

Napalingon si Juan sa kanyang anak-anakan.. "Ano iyon anak?"

Napabuntong hininga pa ito bago ngumiti at nagsalita.. "K-katunayan ama ako mismo ang umatake sa palasyo ilang araw din ang lumipas.."

"Anong ginawa mo sa palasyo?"

"Sinabi kong 'Buhay pa ang anak ng Emperor at Empress'.." nakangising sagot ni Evericfila na hindi naman nagustuhan ni Juan.

"Ipapahamak mo ba talaga ang iyong sarili?"

Nagulat si Juan ng yakapin siya ng kanyang anak-anakan.. "Nais kong paghandaan ng hari ang pagbabalik ng tunay na tagapagmana kung kaya't ginawa ko iyon upang makita ka din, ama."

Napangiti naman si Juan habang nakaakap sa kanya ang anak-anakang si Evericfila.. "Matutuwa ang Emperor at Empress kapag nalaman nilang dalaga na at may paninindigan at sariling katwiran na ang kanilang nagiisang anak."

Bumitaw si Evericfila sa pagkakayakap sa kanyang ama at ngumiti ito.. "Simula ngayon hindi mo na kailangang protektahan ako, ama."

Hindi nakapag salita si Juan nanatiling nakatingin ito sa kanyang anak.. "Kayo na ang proprotektahan ko ama.. Hindi ko nanaising mawalan muli ng ama kung kaya't hayaan niyong ako naman ang promotekta sa inyo."

Malakas na sigaw ang narinig ng mga babaeng mandirigma sa kanilang tinitirhan kung kaya't lumabas ang mga ito.. Dalawang grupo ang nakatayo may hawak na armas. "Nabalitaan namin na narito si Juan.. Ang pinuno ng mga rebelde na nais patayin ang hari."

Halos mapaatras ang dalawang grupo ng magsilabasan ang napakaraming babaeng mandirigma.. "Anong kailangan niyo sa aking asawa?"

Halos magulat ang mga babaeng mandirigma ng mag salita ang kanilang maestra.. "Hindi ko hahayaan na dumampi ang inyong mga kamay sa aking asawa kung kaya't humanda ang lahat.."

(Completed) The Last EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon