📌Ang Burdang Bungo📌
"Evericfila, may nais kumausap sa iyo."
Napakunot ang noo ni Evericfila dahil sa sinabi ng kanilang kasamang babae na mandirigma. "Sino ho ang nais kumausap sa akin?"
"Hindi ko siya gaanong kilala, matandang lalaki iyon."
Paglabas ni Evericfila ay tumambad sa kanya ang pamilyar na bulto.. "I-itay, Juan."
"Evericfila! Akala ko ay hindi na tayo magkikita, iha.
Mabilis na napahinto ang lahat ng biglang may espada ang nagpahinto sa matandang lalaki nanlaki naman ang mga mata ni Evericfila. "S-sandali lang pinuno.."
Napatingin ang pinuno ng mga babaeng mandirigma kay Evericfila ng mabilis niyang awatin ang dalawa.. "Siya ang aking itay, pinuno."
"Ang iyong itay? Hindi b——"
Naitikom naman agad ng pinunong mandirigma ang kanyang bibig ng panlakihan siya ng mata ng kanilang maestra.. "A-ang iyong itay!"
Nakangiting ibinaba ng pinunong mandirigma ang kanyang espada at lumapit sa pwesto ng kanilang maestra.. "Itay!! Nagagalak akong makita ka, kaytagal kong hiniling ang pagkakataong ito."
"Patawad kung hindi agad kita napuntahan, anak ko."
Pinaupo nila ang matandang lalaki sa isang maliit na silya binigyan din ito ng makakain.. "Paano po ninyo nalaman ang bundok na ito?"
Napalingon ang matandang lalaki sa pinunong mandirigma.. "Narinig kong pinaguusapan ng dalawang binibining mandirigma ang galing ng aking anak sa pakikipaglaban... Nalaman ko ang ngalan ng itanung ko sa kanila ang buong pangalan na tinatawag nilang Ever."
Napayuko ang dalawang babaeng mandirigma dahil itinuro sila ng matandang babae.. "Kayong dalawa talaga, napakadaldal niyo."
"Paumanhin pinuno.."
"Hindi naman po namin sinadyang pagusapan ang galing ni Ever."Napabuntong hininga na lang ang maestra at ang pinunong mandirigma.. "Sa susunod ay manahimik na lamang kayo.. Baka mapahamak tayo, buti na lang at ang matandang lalaki lang na ito ang napagsabihan niyo."
"Sinong matandang lalaki ang iyong tinutukoy, matandang babae?"
Nagtawanan ang lahat ng babaeng mandirigma dahil sa kanilang nasaksihan kung paano maasar ang dalawa sa isa't isa.. "Itay! Tama naman po ang sinabi ni maestra."
"Isa ka pa.. Hindi ka parin nagbabago."
Maya't maya ay napangiti ang lahat dahil nakita nila ang samahan ng isang anak at isang ama.. "Masaya po ako na makita kayong malakas pa at walang nangyari sa inyo.."
"Masaya din ako, anak." Nakangiting ibinaling ng matandang lalaki ang tingin sa maestra na kumupkop kay Evericfila.. "Matandang babae, maraming salamat sa pagkupkop sa aking anak."
"Sabing hindi pa ako matanda.."inis na pasaring na tugon ng maestra.. "Ikaw ang matanda na dahil uugod ugod kang naglalakad kanina."
"Ganyan na ganyan ho ang nangyari sa aking lola at lolo... Baka po kayo ang magkatuluyan sa dulo."
Sa paglipas ng dalawang araw ay muling bumalik sa palasyo si Evericfila at si Benita, ang pinunong mandirigma. "Pinuno, anong gagawin ko kapag muling mag kross ang landas namin ng lalaking may nakaburdang bungo sa kanang braso?"
BINABASA MO ANG
(Completed) The Last Empress
Historical FictionThe Last Empress Historical Fiction (Action-Suspense) Main Character: Evericfila Alindogan Description: Ang pinakahuling empress sa taong 1750 Ano ang kailangan niyang tapusin? Ano ang kanyang hangarin?