Chapter 06

3 1 0
                                    

📌 Hakbang 📌

Matalas na espada ang biglang bumungad sa mga gwardiya civil na inatasan ng hari na patayin ang mga politicians at mga ministro na nais na siyang palitan.

"Hindi ko hahayaan na may mapahamak sa mga iyan.."

Tinig iyon ng isang babae habang masamang naka tingin sa lalaking inatasan ng hari.

"S-sino ka?"

Mabilis na inasinta ng isa pang nakabalot ng itim na tela sa mukha ang lalaki na aatake sana sa likuran ng taong nakaharap sa kanang kamay ng hari.. "Malalaman mo din kung sino ako, pero sa ngayon kailangan muna naming iligtas ang mga papatiyin niyo.."

Sumugod ang ilan sa mga guwardiya civil kaya naman mabilis na inatake ng dalawa ang mga pasugod sa kanila.. Hanggang sa mapatumba nila ang mga ito kaya nakangising lumapit ang taong nakasuot ng salakot na itim sa mukha at bahagyang itinaas ang hawak na espada habang nasa leeg nito ng lalaki.. "Ako si Evericfila... Ang nagiisang anak ng Emperor!."

Hindi makapaniwalang napatitig ang lalaki ng tanggalin ni Evericfila ang suot niyang itim na salakot.. "Sabihin mo sa hari na malapit na siyang ipatapon, sabihin mo na tapos na ang pagiging hari niya.."

Hindi makapaniwalang napaluhod ang kanang kamay ng hari sa harapan ni Evericfila.. "E-Empress!!?"

Ang hakbang na hindi inaasahan ng lahat lalong lalo na ng kasalukuyang hari..

Napatitig ang mga politician at ministro sa babaeng kaharap nila, hindi nila inaasahan na ang anak ng Emperor pala ang magliligtas sa kanila sa kamatayan.. "I-ikaw ba talaga ang anak ng Emperor?"

Nakangiting tumango si Evericfila sa lahat ng nakaalam sa kanyang tunay na pagkatao.. "Totoong buhay ang anak ng Emperor.."

"Hindi kami makapaniwalang buhay ka, Empress."

Nakangiting isa isang tinignan ni Evericfila ang mga naroon kasama na ang heneral na kasama niya sa buong laban lalo na at nalaman din niya na si Evericfila ang nakaligtas na Empress.. "Sa araw na ito wala ni isa sa inyo ang masasaktan.. Narito ako nakatayo sa harapan niyo nangangakong hindi ko kayo bibiguin, hinding hindi ko bibiguin ang aking ama at ina.."

"Mabuhay ang Empress.."

Maya't maya ay sigaw ni Gio na sinabayan naman ng mga kaharap nila.. "Mabuhay ang Empress.."

"Mabuhay!!"

"Mabuhay!"

"Ano ang iyong plano?"

Bungad ni Gio kay Evericfila habang naglalakad sila pabalik sa bundok na tinutuluyan nila.. "Nagawa kona ang unang hakbang... Gagawin ko naman ang pangawalang hakbang kung kaya't magmadali ka at pumunta kina ama upang sabihin sa kanila na gagawin kona ang pangalawang hakbang.."

Nakangising ipinakita ni Evericfila ang mga papeles na isinuksok nito sa kanyang tagiliran.. "Ano ang iyong hakbang kung gayon?"

"Magpapakilala na ako sa hari... Magpapakilala akong bangungot niya lalo na at nalaman kong may kinalaman siya sa pagpaslang sa aking ina at ama kung saan muntik na din akong mapahamak.."

(Completed) The Last EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon