Paglipas ng tatlong taon..."Narito na ang Empress nakapagdesisyon na ito kaya naman pakikinggan natin ang kanyang nais at hinaing.."
Bumaba si Evericfila sa hagdan ng kanyang trono nakangiti niyang tinggal ang korona sa kanyang ulo at dahan dahan at maingat niyang inilapag ang korona sa pulang tela simbolo na nais na niyang bitawan ang palasyo at korona..
"Anong ginagawa ng Empress?"
"Ano ang kanyang nais gawin?"
"Nais na bang ibaba ni Empress ang kanyang trono?"
"Sino ang ipapalit niya kung ganon.."
"Sana ang pumalit sa kanya ay may mabuting kalooban ng sa gayon ay hindi tayo mahirapan."
Panay ang bulungan ng lahat nanatiling nakangiti si Evericfila hindi naman inaasahan ng lahat dahil sa ginawa ng Empress..
"Kaligayahan ko naman ang nais kong piliin, nangako ako sa inyo noon na hindi ko kayo bibitawan ngunit paumanhin dahil hindi iyon panghabang buhay.. Nais kong ibigay ang korona at trono sa nagiisang tao na pinagkatiwalaan ko ng buong puso.."
Napalingon ang lahat ng tumingin si Evericfila sa direksyon ng mga ministro naroon ang nagiisa at natatanging mamumuno na si Melvin Jay..
"Ibinibigay ko ang trono at korona kay Melvin Jay, dahil nakita ko kung gaano siya kahusay sa lahat ng bagay, mapagkakatiwalaan at hindi kayo bibiguin."
Namangha ang lahat dahil totoo ang sinabi ng Empress lahat ng nakita niya kay Melvin Jay at nakita din ng lahat..
"Sigurado akong siya ang isa sa mga hahangaan at pagkakatiwalaan ng lahat maliban sa akin, maipagtatanggol niya ang palasyo magiging payapa ang lahat."
Nakangiting nakatitig si Evericfila kay Melvin Jay na hindi makapaniwala na siya ang papalit sa Empress.. Lungkot, saya hindi mapangalanang emosyon ang makikita sa mga mata ni Melvin Jay dahil siya ang Emperor malungkot ito dahil hindi niya kasama ang babaeng minahal niya.
Lumapit si Evericfila kay Melvin Jay habang dala dala ang telang pula kung saan naroon ang korona..
"Ikaw ang nais kong mamuno, m-maari mo bang tanggapin ang aking alok?"
Hindi alam ni Melvin Jay kung bakit may tuwa ngunit naroon ang hindi niya mapangalanang emosyon dahil siguro hindi niya inaasahan na darating ang araw na siya ang magiging pinuno ng lahat.. Hindi niya nais maging hari dahil mas gugustuhin niyang bumuo ng pamilya kasama sana si Rhea..
"B-basta ikaw kamahalan.."
Napangiti si Evericfila at hinawakan sa braso si Melvin Jay at hinila ito paakyat muli sa trono.. Humarap siya at bahagyang tumunghay upang pumantay sa binata hindi naman agad siya nakagalaw dahil magkatapat na ngayon ang mukha nila kinuha ng Empress ang korona at dahan dahan na inilagay iyon sa ulo ni Melvin Jay..
"Hindi na ako ang iyong kamahalan.."
Napangiti sila sa isa't isa.. "Ikaw na ang aming kamahalan ngayon, Jay."
"Pagpugay sa bagong Emperor.."
"Pagpugay sa bagong Emperor.."
Paglipas ng walong taon....
Nakangiting pinagmasdan ng mag-asawa ang dalawa nilang anak, kambal ito isang babae at isang lalaki nahahawig ng lalaki ang kanyang ina samantalang nahahawig naman ng batang babae ang kanyang ama..
"Ama, samahan mo po kami doon.."
Hinila ng limang taon na batang babae ang kanyang ama.
"Ikaw din ina samahan mo din kami.."
BINABASA MO ANG
(Completed) The Last Empress
Fiksi SejarahThe Last Empress Historical Fiction (Action-Suspense) Main Character: Evericfila Alindogan Description: Ang pinakahuling empress sa taong 1750 Ano ang kailangan niyang tapusin? Ano ang kanyang hangarin?