Pagsisi-Mula sa Sarili

5 1 0
                                    

Inilukot, inilatag; ikinasabik,
   iniwasan.
“Ineng! Iligtas, iahon iyong
   identidad—ito'y iyong ipaglaban.
Ikakapamanglaw iyang itinatago't
   idinibdib;
Idagdag iyang isipang impyernong
   ikakapanganib.”

Iniusal itong inililihim, ipinakita
   itong ikasisira;
Ikinamatay ito't isa-isang inialis
   inyong ibinigkis—inabanduna.
Imbis ikalungkot; iyo'y ikinalaya't
   ikinaliwanag.
“Ineng, iwasan iyong ikasasama't
   ikahahabag.”

Inakalang inuusal iyo'y iniuukol
   itong ikinakaharap;
Ikinabigla't ikinaunawa: iilagan
   iyong ikaguguho isang iglap.

Whispers of SilenceWhere stories live. Discover now