BULLET-13

186 5 13
                                    


BULLET-13

Hindi nawala sa isip ko ang text niyang iyon hanggang sa makarating na ako sa hospital. Omg! Narinig niya lahat ng sinabi ko. Well, wala naman akong maling sinabi. Yung part lang na yun.

"Hoy! Kinakausap kita!" bulyaw ni Nica sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano ulit y-yon?" tanong ko.

Nagulat ako nang bigla siyang humalpak ng tawa. Minasdan ko lamang siya sa ganung sitwasyon. Wala ako sa mood makipag-biruan ngayon.Lutang ako, oo.

"Sabi ko. Kumain ka na ba? May dinalang pagkain sina Kuya dito kanina." Wika niya at isa isang nilabas ang mga iyon.

"Nica," seryosong tawag ko sa kaniya.

"Oh?" napatingin siya sa akin habang nilalapag ang mga utensils.

Sasabihin ko ba? Bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ko na muna sasabihin na nanliligaw siya sa akin.

"Paano mo malalaman kung seryoso yung m-manliligaw mo?" tanong ko.

Umupo siya sa harap ko at tinignan ako deretso sa mata. Umiwas ako doon at nagsalin ng makakain. Huwag sana siyang maghinala.

"Kung sasabihin niya sayong gusto ka niya deretso sa mga mata mo." Sagot niya.

Napatigil ako sa pagkain. I remember how Vincent said those words straight to my eyes. Does that mean seryoso siya? I secretly smiled after thinking that.

"G-ganun ba?" tanong ko. "Nga pala. Bukas na labas mo." Pag-iiba ko.

"Ay shet! Oo, nakalimutan kong sabihin. May duty ka bukas?" tanong niya.

"Meron hanggang 12 pm. Labas mo siguro eh alas siyete." Wika ko naman. Tumango na lamang ito.

Pinagpatuloy namin ang pagku-kwentuhan tungkol sa isang pasiyente. Pagkatapos nito ay umalis na rin ako dahil alas nuwebe na at may duty pa ako. Tinapos ko ang lahat ng trabaho ko sa opisina at mga rounds. Hindi pa ako nakakaupo sa aking sofa sa opisina pagkatapos ng rounds ko ay may natanggap na naman akong tawag.

"Hello?" sagot ko sa telepono.

"Doc, kailangan po ng isang general surgeon dito sa baba. Absent po kasi si Dr.Manalastas." wika nung nurse.

'hayst.'

"Okay. Pakihanda na yung gamit ko. Bababa na ako." Nagmamadaling saad ko sa kaniya at bumaba na.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ko si Vincent. Tinawag ako nito pero sinenyasan ko siyang mamaya na at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa OR. Emergency ito hindi pwedeng makipagharutan.

"Doc!" parang nakahinga ng maluwag ang CS namin nang makita ako.

Nginitian ko lang siya at isinuot na ang mga PPE. Minor operation lang pala ito kaya 3-4 hours lang siguro ito. Naiiling ako nang makitang bata pa ang ooperahan ko. Tumingin ako sa relo dito at nakitang 12 a.m na.

Sinimulan na namin ang operasyon dahil hindi pwedeng babagal-bagal. Akala ko magiging madali ang lahat pero hindi. Biglang bumagsak ang blood pressure nung pasyente kaya kinailangan pa namin ito gawing stable. Umabot ng 7 hours ang operasyon.

Nagmamadali akong bumaba nang matapos namin ang operation para ihatid si Nica. Saktong nasa lobby siya naka-upo sa may mga silya. Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya.

"Hayst. Ano ba iyan Nica. Mas nauna ka pang na-confine dito kaysa sa magtrabaho." Wika ko sa kaniya.

Bahagya lang siyang natawa pero ako hindi. Nanatili akong seryoso. Hindi ako natatawa sa nangyaring iyon.

"Hayaan mo na basta next week kita-kita na lang tayo rito." Aniya.

"Okay marz." Sagot niya.

Nag-paalam na rin ako sa kaniya dahil may rounds pa akong gagawin. Iginugol ko ang aking oras sa pagcheck sa aking mga pasyente. Sobrang nakakapagod, pero nawawala ang pagod na iyon kapag nakita kong gumagaling na sila.

"Doc! Paglaki ko, gusto kong maging katulad mo!" nakangiting wika nung patient kong batang babae.

"Kaya, magpagaling ka ha?" matamis na wika ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya sa akin habang kumakaway.

Nang matapos ko ang lahat ay saktong alas dose na. tapos na ang aking duty. Nag-inat-inat ako ng katawan pagkarating ko sa opisina. Hindi ako uuwi dahil may kinuha na akong gamit dito. May isang sofa bed naman kaya yun na lang ang tutulugan ko. Nag-shower lang ako at nagpalit ng pantulog.

Hindi na ako nag-abalang kumain dahil inaantok na ako. Naidlip na lamang ako doon at nakalimutang ilock ang pintuan.

Nagising ako nang maramdamang may nakatitig sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagulat ako nang makita si Vincent na nakatingin sa akin.

Tumakbo ako papunta sa loob ng banyo at naghilamos. "Bwiset!" mahinang bulong ko. Nakakainis. Bakit ba kase ako hindi naglock. Nagbun lang ako ng buhok at lumabas na.

"Good evening!" malakas na bati niya.

Tumingin naman ako sa aking wristwatch. Alas siyete na pala ng gabi. At nakaramdam na ako ng pagkalam ng aking sikmura. Ibinalik ko ang aking paningin kay Vincent, mukhang kanina pa nga siya dito.

"Hintayin mo ako. I'll just fix myself." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nagtungo na lamang sa banyo.

Naligo lang ako saglit at nagpalit ng damin. I wore a simple floral dress and powder at tint lang. Pagkalabas ko ay naglalaro ng chess si Vincent sa kaniyang cellphone.

"Tara na," aya ko sa kaniya kaya napabalin ang atensiyon niya sa akin,

"Saan?" tanong nito.

"Diyan lang sa kalapit na resto. Gutom na ako eh," wika ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin at nauna nang lumabas. Sumunod naman ako sa kay Vincent, bago ako lumabas ay kinuha ko ang isang sandwich sa table ko at kinagatan iyon. Nasa hagdan pa lang kami ng ospital ay umalingaw-ngaw sa buong hallway ang sirene. Senyales na may VIP patient.

'aish!'

"Paging Dr. Stacey Chua! To please proceed at the OR within 5 minutes!" dinig kong wika nung pager.

Napatingin ako kay Vincent na halatang gulat. Iniabot ko sa kaniya ang bag ko at kinain yung sandwich. My ghad! Ganito ang buhay ko. Nakita kong may hawak siyang gatorade kaya kinuha ko iyon. Mabailis lang ang ginawa kong pagkain dahil wala na akong oras.

"Vincent," tawag ko sa kaniya. "Sorry. Next time na lang." Patuloy ko.

Ngumiti siya sa akin. Imbes na sumagot ay nagulat ako nang hilain niya ako papalapit sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Okay lang," bulong niya.

"Paging Dr. Stacey Chua! To please proceed at the OR within 5 minutes!"

Kumawala ako sa kaniyang bisig. May pa ganito pa kasi siya nakalimutan ko tuloy na may pasyente ako. Kumaway muna ako sa kaya bago tumakbo paalis. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko yung sigaw niya.

"I'll wait for you!"

Naramdaman ko ang aking pamumula at bilis ng pintig ng aking puso. This man, he just aimed the bullet. I think i have nothing to do anymore.

'I'll just catch that bullet.'

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon