BULLET-03

298 11 124
                                    


BULLET-03

"Duh! As if naman magpapapicture ako sa iyo," maarteng wika ko kay Vincent.

Natawa lang siya sa aking inasta at kinuha ang phone niya mula sa kaniyang bulsa. Pinagmasdan ko kung ano ang kaniyang ginagawa. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang itinaas ito.

"Ngumiti ka naman diyan," wika nito.

Tinitigan ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Tsk, sige na nga. I smiled on his phone and he took a selfie of us. Napawi ang ngiti ko nang ibinaba na niya ang phone.

"Sabi mo ayaw mong magpa-picture sa akin. Edi, ako na lang nagpapicture sayo, Dra. Maldit-Aray!"

Hinampas ko sa kaniya ang hawak kong sumbrero nang marinig ko ang itinawag niya sa akin. Maldita? Ako? Wow ha.

"Sundalo ka ba talaga?" takang tanong ko dahil kung umasta ito parang hindi siya professional.

"Cpt. Vincent Enriquez III, Philippine Army, Scout Ranger, 23rd Infantry Batallion commander and my code name is, Bullet." Kompletong pagpapakilala niya.

"1st Lt. Stacey Rvynz Chua, Philippine Army, Medical Doctor, General Surgeon." Patol ko naman.

He smiled at me. Tumingin ako kina-Nica na busy sa pagpapaturo ng surfing kay Kuya. Itong babaeng to sobrang adventurous.

"Surgeon ka diba?" tanong ni Vincent sa akin.

"Oo," tipid kong sagot.

"Kaya pala..." wika niya na siyang ikinataka. Kunot-noo ko siyang tinignan. "Kinuha mo ang puso ko."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ilang taon na din ako hindi nakarinig ng banat mula sa isang lalaki. Parang nanindig ang balahibo ko sa narinig at may kung ano sa tiyan ko. What the.

"Char lang." bawi niya.

"Baliw," bulong ko na sapat lang para marinig niya.

Sa kalagitnaan ng aming panonood sa mga nagsu-surfing ay biglang nagring ang kaniyang cellphone. Nagpaalam siya sa akin kaya tumango lamang ako. Alangan na mang humindi ako eh diko naman yan kaano-ano.

Bumalik siya sa pwesto ko pero dina ito umupo. I looked at him curiously dahil parang nagmamadali ito.

"May emergency sa kampo. Kailangan ng medic. Confidential mission. We need to go," wika niya.

Napatayo naman ako bigla at tumingin kay Nica na busy ngayon. Wrong timing! Sinabi ko kay Vincent na kunin ang bag ko sa cottage at tatawagin ko si Nica, good thing pumayag ito.

Tumakbo ako papalapit kay Nica na kakaahon lang sa dagat. Nagtataka niya akong tinignan kaya ibinulong ko sa kaniya ang pangyayari. Kagaya ko ay nabigla rin siya.

"Liah! We need to go may patient kami sa camp eh!" sigaw ko kay Liah.

Mabuti na lamang at pumayag ito. Tumakbo kami patungo sa sasakyan ni Vincent. Dumeretso kami sa hotel para kunin ang kaniya kaniya naming gamit. Sasakyan ko ang ginamit namin pabalik ng camp dahil kotse ni Elias ang ginamit ni Vincent papunta dito.

"Ahmad Hashim, nationality niya ay Arab. 26 years old kidnapped last December 21,2020." Basa ni Vincent sa info na sinend sa kaniya.

We are also soldiers kaya damay kami sa mga pangyayaring ito. Nakuha na namin ang aming insignia at lisensya bilang sundalo last week. Lisensya na lang bilang military doctor ang aming hinihintay kaya kabilang kami sa mga operations na ganito.

"Bakit daw nakidnap?" tanong ni Nica.

"He's the son of the prime minister of Afghanistan. Ito ang isa sa mga tinitignang rason ngayon." Sagot ko dahil nabasa ko iyon kanina.

"Nasa kampo na siya ngayon pero nasa red alert pa rin ang camp kasi umaaligid daw ang mga armadong grupo na nanghostage sa kaniya." Paliwanag naman ni Vincent sa amin.

Tinigil ko bigla ang sasakyan sa ilid ng daan. Napatingin silang dalawa sa akin ng nagtataka.

"Hindi tayo maaring magpatuloy ng hindi handa. Do you guys have your firearms right now?" tanong ko.

Mukhang nakuha naman nila ang nais kong iparating kaya kinuha nila mula sa kanilang mga bag ang dala nilang mga baril Vincent has a 9mm with him as well as Nica. Ako naman ay may dalang p226.

"I don't have enough bullets here," wika ni Nica.

Ako rin naman kaya may kaunting kaba akong nararamdaman. Tumingin ako kayVincent na ngayon ay kasalukuyang may kinakalikot sa dala niyang radyo (walkie-talkie).

"Team Alpha!Team Alpha! Ano nang situation diyan?" tanong nito. "This is Bullet transmitting," ulit pa nito.

"Captain! Sa north gate kayo dumaan. Maraming kalaban sa south!" malabo pero naintindihan namin.

I took a u-turn para maiba ang aming rota. Sa medyo magubat na parte kami dumaan. Mula dito ay rinig na namin ang palitan ng putok ng baril. Itinigil ko ang sasakyan dalawang metro ang layo mula sa gate.

"Maglalakad na tayo," wika ko. Napatingin naman ako sa aming suot.

Nakasuot pa rin ako ng dress hanggang ngayon. Bahala na nga. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagmamasid sa paligid.

"Alpha!Cover us! 1 meter from the south gate," Vincent said through the radio.

"Roger that Captain,"

Nakita kong lumabas ang dalawang miyembro ng special forces at sumenyas sa amin.Nauna si Nica na tumakbo papalapit doon. Lumingon muna ako kay Vincent at tumango bago sumunod kay Nica.

I prepared my gun incase of emergency. Nasa sampung metro ang layo ng medic cube mula dito. Pagtingin ko kay Nica ay asintado niyang binarilang isang terorista na nakaharang sa daan.

"Acey! Bilisan mo! We'll take the route mula sa opisina!" tawag niya.

Tumakbo kami papasok sa loob ng building 1 at bumungad sa amin ang mga walang buhay na katawan ng ilang sundalo. Pinilit kong huwag nang lumingon doon at magpatuloy na lang.

Hindi pa kami nakakatungtong sa ikalawang palapag ay may humarang na sa amin. Mabuti na lamang at mabilis ang aking kilos kaya nabaril kaagad ito. We continued running hanggang sa makarating na kami sa fire exit.

Lalabas na sana kami nang biglang may sumigaw hindi kalayuan mula sa amin. I saw three men holding a black flag with a arab letters on it. Kaharap nila ngayon si Vincent at ang grupo niya, they are pointing they're gun with each other.

"E tëra që duam është djali I kryeministrit." (All we want is the son of the prime minister)

Mariing wika ng lalaking may balbas at nakahawang ng baril. Hinila ako ni Nica sa likod ng malaking bakal na pintuann upang magtago.

"Bakit albanian ang lenggwahe nila? Hindi ba dapat pashto?" tanong ni Nica.

"Sa pagkakaalam ko ay may alitan ang dalawang bansa ngayon, ang Albania at Afghanistan." Sagot ko sa kaniya.

Ikinasa ko ang baril ko nang makitang may teroristang sumulpot sa likod ni Nica. Natumba ito na siyang nakaagaw pansin ng mga lalaking kausap ni Vincent.

"Bosi I madh!" (Big boss!)

Napabalik ang lingon ko sa lalaking nakahandusay ngayon. Sa pagkakaintindi ko ng lenggawaheng ginnamit nila, Big Boss ang ibig sabihin ng sinabi ng lalaki.

"Damn....you killed their leader," wika ni Nica.

Naalerto kami nang biglang tumakbo ang tatlong lalaki patungo sa amin. Napaatras kami ni Nica at sinubukang iputok ang aming dalang baril pero wala nang bala. Shit!

Nawalan na ako ng pag-asa nang makitang pader na lang ang nasa likod namin. Wala na ring bala. Napapikit ako nang itutok ng lalaking nakahawak kanina ng flag sa akin ang kaniyang baril. Tatlong putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Katapusan ko na.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata nang maramdamang walang bala ang tumagos sa aking katawan. Napatingin ako sa lalaking nakatyo sa harap ko. It's Vincent. Sinilip ko ang katawan ng teroristang wala nang buhay ngayon. Hindi lang iisa.....tatlo silang nabaril.

"I don't care which country they came from and who their target is. But if the target is my countrymen, I am ready to release a bullet from my gun straight to their heads."

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon