"May... Sasabihin ako."
Kahit kinakabahan ay nginitian ko siya. "Ano y--" Naputol ang tanong ko nang marinig ko ang pangalan ko.
Sabay kaming napalingon ni Razz sa tumawag sa pangalan ko at halos sumigaw na din ako nang makilala kung sino ito.
"Kiyo!" Masigla ko siyang kinawayan at sinalubong niya naman agad ako ng yakap.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. He's a friend of mine and matagal kaming hindi nagkita dahil umuwi sila ng parents niya sa states.
"Visiting my grandparents." Walang pinagbago gwapo parin siya. Not gonna lie, he was my childhood crush back then when I was five years old.
"Musta na? Tagal din nating hindi nag kita ah," ilang taon na nga ba ang dumaan simula nung umalis sila, matagal narin at sobra talaga akong nalungkot dahil siya palang ang naging kaibigan ko nung mga panahong iyon.
"Heto, ayos naman. Ikaw? Laki ng pinagbago ah, lalong gumanda." Natawa ako bigla sa sinabi niyang iyon kaya napalo ko pa siya ng mahina.
Rinig ko ang bahagyang pag tikhim ni Razz. Muntik ko ng makalimutang kasama ko pala siya. Humarap ako sa kanya kaya napaharap na din si Kiyo sa kanya.
"Si Razz, best friend ko." Pakilala ko sa kanya. "And Razz, si Kiyo friend ko." Nag ngitian sila pero halata kong pilit lang ang ngiti ni Razz sa kanya. Sana lang ay hindi mahalata ni Kiyo iyon.
Problema ng isang ito? Bilis mag bago ng mood.
"Nice to meet you bro." Nakangiti paring itinaas ni Kiyo ang kamay niya, tiningnan ko si Razz at seryoso lang siya pero inabot niya din naman ang kamay ni Kiyo na walang pag bati pabalik.
Anyare sa isang 'to? Ayos lang ba siya?
Hindi ko nalang pinansin ang pagiging seryoso niya at niyaya ko sila na mag lakad-lakad. Nakakita din kami ng nagtitinda ng cotton candy kaya napabili kami, ayaw nga lang nitong ni Razz kaya kami nalang dalawa ni Kiyo ang bumili. Nag ice cream din kami at nag kwentuhan ng tungkol sa childhood namin.
"Umakyat ka pa ng puno noon kaya wala na akong nagawa kundi sawayin ka." Tawa niya, binabalikan yung kulitan namin noon.
"At least napa salita kita non." Tumawa ako nang maalala kung gaano ka cute yung boses niya habang sinasabing bumaba ako.
Masayang kasama si Kiyo dahil puro ako tawa sa mga kwento at jokes niya, na realized ko nga na malaki din ang pinagbago niya kasi dati ang tahimik niyang bata pero ngayon hindi na siya nauubusan ng jokes. Hirap na hirap pa akong mag kwento ng kung ano-ano dati para lang makausap siya.
Nang malapit ng mag dilim ay nag paalam na din siyang umalis dahil hinihintay pa daw siya ng parents niya.
"Hindi na ako mag tatagal, hinihintay na din ako ng parents ko." Aniya.
"Okay lang, salamat sa time at sa libre." Ngumiti ako at itinaas pa ang hawak na ice cream na siya ang nagbayad.
"Walang ano man, sa susunod ulit." Tuluyan na siyang nagpaalam at umalis, kinawayan ko nalang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Nag ring naman bigla yung cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko. "Hello kuya?"
"Pauwi na po." Napasimangot ako. Susunduin daw niya ako pero tumanggi na ako, buti nalang at hindi na siya nag kulit pa.
Pagkatapos ng tawag ay hinarap ko naman itong isa na kanina pa tahimik. Seryoso pa'rin siya kaya naman bumalik yung kaninang kaba ko.
"Uhh... Razz, uuwi na din ako niyan." Sabi ko.
YOU ARE READING
Somewhere Only We Know
Teen Fiction[ON-GOING] SOMEWHERE ONLY WE KNOW || SIEKEEXINE A story of a friendship, love, mistakes and regrets. Cover by: Kopi Cat Graphics