Prologue

96 59 0
                                    

"SINO KA?!" Rinig kong sigaw ng boses batang lalaki.

Lumingon ako at nakita ko siya na naka tayo sa may likuran ng puno at bahagyang naka silip sa akin.

Hindi agad ako naka sagot.

"Sabing sino ka eh! Tsaka paano ka nakarating dito sa lugar ko?!" Medyo malakas na ang boses niyang tanong sa'kin.

"A-ano... N-apadaan lang..." Palusot ko kahit na ang totoo ay naakit talaga ako ng view.

Tsaka anong lugar niya daw? Loko ba siya?

Humakbang ako ng isang beses pero agad din naman niya akong sinigawan. "Huwag kang lalapit!"

Sungit naman.

"A-ah... Meron akong candy dito, apple ang flavor n-nito." Sabi ko at dahan dahang itinaas ang dalawa kong kamay na may hawak na candy.

"Baka lang naman g-gusto mo," utal at mahina na dagdag ko.

Ang sungit naman niya kasi eh!

Hindi ko siya nakikitang umaalis sa pwesto niya kaya medyo nag iwas ako ng tingin.

Nangangawit na ako haa!

"O sige hindi nalang ako titingin tapos kuha ka na." Sabi ko sa kanya tsaka nag iwas ng tingin.

Maya maya pa ay naramdaman kong may kumuha nga sa candy na hawak-hawak ko kaya muli kong ipinukol ang tingin ko sa kanya. Kita ko ang pag liwanag ng kanyang mukha, malayo sa galit niyang ekpresyon kanina.

Napangiti ako.

Nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya ay bigla namang napalitan ng pag kunot ng noo ang ngiti niya.

"S-salamat!" Sabi niya na nasa candy ang tingin. "Pwede ka ng bumisita dito kahit kailan!" Iyon ang sabi niya at ngumiti.

Hindi ko na din napigilan ang ngiti ko dahil hindi na siya galit sa'kin.

Inaya niya akong mas lumapit pa sa punong kinatatayuan niya kanina at dahil masyado akong excited ay sumunod din ako agad. Natigil ako dahil sa ganda ng tanawing nakikita ko, it's a lake na may mga swan at tanaw na tanaw pa ang pag lubog ng araw.

"Maganda hindi ba?" Nabalik ako sa katinuan ng bigla niyang itinanong iyon. Tumango naman ako bilang pag sang ayon dahil napaka ganda naman talaga.

"Alam mo ba na sa tuwing pumupunta kami ng family ko dito sa park ay itong pwesto lang na ito ang tinatambaya ko." Kwento niya bigla. "At tanging ako lang ang nakaka alam ng lugar na ito." Sabi pa niya.

"Talaga?" Mangha namang tanong ko.

"Oo, kaya nga nagulat ako nung nakita kitang andito eh." Parang ayaw niya talagang andito ako ah...

Busy siya sa kinakain niyang candy at ako naman ay abala din sa panonood sa mga swan na lumulutang sa lake.

Hindi naman halatang favorite niya yung apple ano? Paubos na kasi eh.

"Favorite mo siguro ang apple ano? Kasi tingnan mo konti nalang." Sabi ko na ikinatigil niya, tiningnan niya yung lalagyan bago tumingin sa'kin.

"Hala sorry!" Tarantang sabi niya at akmang isasauli sa akin yung candy pero tinawanan ko nalang siya.

"Nag jo-joke lang, sayo nalang naman talaga yan eh." Nawala bigla ang reaksyon niya at parang nag pipigil siya ng inis kaya mas lalo akong natawa.

Hihihi!

Hindi naman maramihan ang mga taong pumupunta sa park na ito kaya hindi din masyadong maingay.

"Ilang taon kana pala?" Maya-maya ay basag niya sa katahimikan.

Nilingon ko siya at ayon busy padin sa candy. Sa pagkaka alam ko akin yan ah.

"7, mag 8 na ako sa August 5." Sagot ko. "Ikaw? Ilan taon ka na?

"Ako, kaka 9 ko lang nung Tuesday." Nanlaki ang mga mata kong lumingon sa kanya.

"Birthday mo nung Tuesday? Happy birthday!" Bati ko sa kanya kahit alam kong masyado ng late.

"Tapos na eh" angal niya.

"Pwede naman bumati kahit tapos na ah!" Sabi ko. Syempre hindi ako mag papatalo noh! Hmp!

Tumango nalang siya. "Sige, salamat." Ano ba yan para naman siyang walang pakealam.

Matagal na naman kaming natahimik bago siya ulit mag tanong.

"Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo." Naka titig niyang sabi sa'kin. Kita ko ang pag kinang ng dalawa niyang mata habang nakatingin sa akin.

Ang cute niya.

"Anong pangalan mo?" Parang nahihiya pa siyang itanong, natawa tuloy ako.

"Bakit ka tumatawa? Walang nakaka-tawa." Kumunot na naman ulit yung noo niya kagaya kanina.

"Ako nga pala si--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si mama sa gilid ko.

"Nariyan ka lang palang bata ka, kanina pa kita hinahanap dahil uuwi na tayo at malapit ng mag dilim. Halika na." Kinuha ni mama ang kamay ko at hinila ako paalis sa lugar na iyon.

Napalingon ako sa batang kasama ko kanina. "Shin ang pangalan ko! Ako si Shin!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya.

Mukhang narinig niya naman dahil sumigaw din siya pabalik.

"Razz ang pangalan ko!" Rinig kong sigaw niya. "Sa susunod ulit."

"Hihintayin kita!"

Hihintayin niya ako... Hihintayin niya daw ako...

Hindi na ako naka sigaw pabalik dahil masyado na kaming malayo sa pwesto ko kanina at pumasok na'rin ako ng kotse, pero isa lang ang nasabi ko sa sarili ko na sagot sa sinabi niya kanina.

"Babalik ako..."

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now