"Coming!" Ano ba naman 'yan si mommy nag mamadali eh ang aga-aga pa naman.
Minadali ko nalang na ayusin ang mga gamit ko at inilagay ito sa school bag ko, pagkatapos kong suotin ang black shoes ko ay bumaba na din ako dahil ang ingay na ng busina ni mommy.
Paglabas ko ay nakita ko siyang naka park sa harap ng gate kaya tumakbo na ako. Talagang nauna pa siyang natapos mag ayos sa akin, anong oras kaya nagising 'to.
"Why so tagal naman Shin?" Kalmado pero halata ang irita sa boses ni mommy.
Bumuntong hininga nalang ako at umupo na sa may passenger seat. Bakit ba madaling madali itong nanay ko? Ang aga-aga pa naman tsaka mamaya pa ang pasok niya sa trabaho.
Binuksan ko nalang ang phone ko para hindi ma bored sa byahe nang mapadapo ang tingin ko sa date ngayon, February 28 na, malapit na ang end ng school year, incoming grade eleven na kami and Razz is incoming grade 12.
"Anak malapit na ang birthday mo, anong gusto mong gawin na'tin? Party?" Biglang nag salita si mommy kaya napalingon ako sa kanya.
Napataas ako ng kilay. "February palang mommy, August pa ang birthday ko." Paalala ko.
"So what? Para mapag handan namin ng daddy mo." Bumuntong hininga ako. Itong si mommy napaka advance, may five months pa. Wala naman na talaga sa isip ko ang mag celebrate pa ng malaki tuwing birthday, dati siguro, oo. But as I grow older nawawalan na din ako ng gana pang magpa party.
Natuon ang atensyon ko nang biglang mag vibrate ang phone ko. Binuksan ko ito at tiningnan kung sino ang nag message, at nakitang si Arrie lang pala.
From: Arrie
otw ka na ba? wait mo'ko sa canteen, maliligo na : )
May happy emoji pa. Kung alam niya lang na napaka aga ko ngayon, for sure niyan ay mamaya pang 7:30 'yon eh 6:00 umalis na kami ng house. Matagal na naman akong tambay sa canteen nito.
"We're here na." Ganadong sambit ni mommy at nag hanap na ng paking. Syempre hindi ako agad naka baba ng sasakyan dahil kung ano-ano pang mga pinagsasabi ng nanay ko. Oo nalang ako ng oo para hindi na humaba pa.
This is the reason why sometimes mas gusto kong mag pahatid nalang kesa yung siya pa ang mag hatid sa akin, no choice din minsan, nag vo-volunteer kasi siya.
"Ikaw Shin Yuna puro ka "oo" diyan pero hindi mo naman ako naiintindihan." Masungit na aniya at inirapan pa kuno ako.
"Noted mom." Walang ganang sagot ko. Bumuntong hininga nalang siya dahil alam niyang nag sasawa na ako sa mga sinasabi niya, papano ay paulit-ulit. Everytime nalang yata na hinahatid niya ako ay hindi nag babago ang mga sinasabi niya sa'kin.
"Call me if mag papasundo ka later, okay?" Pahabol niya. Tumango ko ng maraming beses at nag goodbye kiss na sa kanya.
Paglabas ko ng kotse ay pumasok agad ako sa campus at dumiretso ng locker para ilagay itong extra gamit na dala-dala ko. Kahit itong locker ko ay halatang hindi na makahinga sa sobrang dami ng gamit, dapat siguro ay iuwi ko na yung mga hindi na nagagamit.
So many books! Kaya pala hindi ko mahanap sa kwarto yung ibang novel books ko ay narito pala, nalimutan kong nag dadala nga pala ako ng mga libro dito.
Nang matapos ilagay ang mga gamit sa locker ay tinungo ko na ang canteen. 6:45am, maaga pa talaga masyado. Ano naman kayang gagawin ko habang nag hihintay.
"Shin!" Napatigil ako sa pag lalakad. Kilala ko ang boses na iyon.
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at hindi naman ako nagkamali. Palagi nalang talagang nag ku-krus ang landas namin ng isang 'to, nag sasawa na nga ako sa mukha niya eh.
YOU ARE READING
Somewhere Only We Know
Novela Juvenil[ON-GOING] SOMEWHERE ONLY WE KNOW || SIEKEEXINE A story of a friendship, love, mistakes and regrets. Cover by: Kopi Cat Graphics