Seven

33 8 0
                                        

"TOTOO BA?"

Nakatungo lamang siya ng tanungin ko iyon. Halata ang pag iyak niya dahil sa balikat niyang nag tataas baba.

"Totoo ba?" Pigil ang galit na pag ulit ko sa tanong.

Kunot noo akong naka harap sa kanya habang sila kuya at mama ay nasa likod ko at tahimik.

"S-shin..."

"Pa, totoo ba?!!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw. "Tinatanong kita kung totoo ba? Oo o hindi lang ang sag---"

"Oo." Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang diretso niyang sabihin ang 'oo'.

Natahimik ako.

"P-papanong..." Hindi. Panaginip lang 'to. "Paano mo n-nagawa..." Hirap na hirap akong mag salita dahil sa pag pigil kong huwag umiyak sa harap niya.

"H-hindi ko sinasadya..." Mahinang sabi niya. Napamaang ako. Ang alam ko nalang ay sinugod na naman siya ni kuya.

"Gago ka palang talaga eh! Hindi sinasadya?! Ha!" Si kuya na sinuntok na naman ulit si papa.

Hindi ko na nagawang awatin pa sila dahil hindi parin nag si-sink in sa utak ko ang mga sinabi nila. Sinubukan pa akong pigilan ni mama pero tinabig ko lang ang kamay niya, rinig ko rin ang pag tawag ni papa pero masyado ng masakit ang loob ko para pansinin pa iyon. Padabog akong umakyat sa taas at pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto ko. Lumundag ako sa kama ko at siniksik ang mukha sa unan at doon ko inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

Hindi ko parin matanggap yung mga narinig ko at ayaw ko iyong tanggapin. Masakit. Sobrang sakit malaman na yung pinakamamahal kong tatay ay may pamilyang iba. Kaya ba palaging wala si papa sa bahay? Kaya ba diko siya madalas makita ay dahil kasama niya yung ibang pamilya niya? Kung panaginip man 'to ay gusto ko ng magising.

May ibang pamilya si papa! Yung papa ko ay may iba pang pamilya bukod sa'min... Kailan pa? Kailan pa?!

Ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ay nadagdagan ng galit. Matinding galit. Papano niya nagawa kay mama 'yon? Hindi niya man lang inisip kami ni Kuya! I hate him! I hate him!

Sana panaginip nalang 'to... Sana...

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, wala na akong pakialam kung may nakakarinig man sa'kin o wala. Sa kakaiyak ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

*****

Nagising lang ako nang makarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto ng kwarto ko. Matamlay akong bumangon at bahagyang binuksan ang pinto. Sinilip ko kung sino yung kumatok at nakita ko si kuya na seryoso ang mukha.

"Bumaba ka na muna, wala na si... Papa." Parang alanganin pa siyang banggitin ang 'papa'. Naiintindihan ko siya, dahil sa nangyari ay kahit ko ay maiilang narin na tawagin ko siyang papa.

"Ayaw ko kuya, kayo nalang doon." Sabi ko at agad na sinara ang pinto dahil nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Ayaw kong umiyak sa harap ng kuya ko.

Dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko at doon nag hilamos, tuloy-tuloy ang ginagawa kong paghilamos na tila ba nilulunod ang sarili sa tubig. Humarap ako sa salamin at doon nakita ko ang mga mata kong namumugto, malamang dahil sa pag iyak.

Bumalik ako sa kama at nag talukbong ng kumot. Sa ngayon ay ayaw ko na munang harapin sina mama at kuya, alam kong totoo ang sinabi ni kuya na umalis na nga si papa, ang totoo ay ayaw ko lang talaga silang makita muna.

Wala pa namang limang minuto akong naka talukbong nang makarinig na naman ako ng pag katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Kuya sinabi ng ayaw kong bumaba eh!" Sigaw ko para marinig niya sa labas.

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now