"Yes?" Sagot ko sa call.
Ang aga-aga tumatawag ito. Ano naman kayang pakay ng lalaking 'to.
"Papunta akong park now, bumangon ka na diyan at pumunta ka na din dito." Sabi niya. May naririnig na din akong bell mula sa bicycle kaya malamang ay nandoon na nga iyon.
Bigla ay napangiti ako.
Matapos kasi niyang ma badtrip nung Thursday ay hindi niya na ako pinansin nung nag uwian. Sinubukan ko din na lapitan siya pero umiiwas siya, ang akala ko nga ay saglit lang yung badtrip niya pero hindi ko expect na aabot hanggang Friday. Kaya nga nagulat ako nang tumawag siya ngayon.
"Okay, maliligo na." Sagot ko sa kanya, hindi pinapahalata ang excitement sa tono ng boses ko.
"And don't eat breakfast." Napataas ang gilid ng labi ko sa sinabi niya.
Desisyon ka beh?
"And why?" Nagtatakang tanong ko. Narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya kaya napa kunot ako ng kilay.
Kahit hindi ko siya nakikita ay kusang nag fa-flash sa utak ko ang mukha niyang naka ngiti, at sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang din ako bigla.
"Just take a bath and come here." Aniya.
"I'll wait you." Dagdag niya na nagpa ngiti lalo sa'kin ng wala sa plano. Oo! Wala sa plano yon! Pisting bibig 'to, ngumingiti nalang bigla.
Delikado ka nang bruha ka! Hindi! Tama hindi. Inhale... Exhale... Good. Natuwa lang talaga ako sa kanya kasi parang ang bait niya ngayon tsaka kinausap niya ako kaya napapangiti ako bigla. Yes! Ganon nga.
Hindi na ako sumagot at pinatayan ko na siya agad ng tawag at inilagay sa kama ang cellphone ko. Ang totoo ay medyo tinatamad pa nga akong tumayo kasi 7:00 palang ng umaga, tapos bigla namang may asungot na tatawag at uutusan akong pumunta sa park. Pero at least! Hindi na siya badtrip.
Hayyss!
Padabog akong pumasok sa banyo dala ang tuwalya ko, binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ng tubig ang aking katawan. Ang lamig!
Bigla naman ay naaalala kong weekend nga pala ngayon! Kaya pala ang aga ng lalaking iyon sa park. Well nung bata ako every weekend na pumupunta yung family namin sa park na iyon and nalaman ko din na ganon din pala ang family ni Razz kaya we decided na every weekend kaming vi-visit doon, but as we grow up kaya na naming pumunta doon ng mag isa, kaya paminsan minsan ay tumatambay din kami doon, mostly after class pero ang real schedule namin ay every Saturday and Sunday.
Taray! May schedule.
It's cute nga eh kasi never pa kaming um-absent even sometimes may mga special events yung mga family namin, but still humahanap pa'rin kami ng way para magka time for each other.
We're best friend though...
B.E.S.T.F.R.I.E.N.D
Nang matapos ay nag bihis na din ako agad. I wear my simple white square neck puff sleeve dress partnered with my beige ankle strap flat sandals. I dried first my long wavy hair then twisted both side of it and tied it at the back. Tiningnan ko pa ang repleksyon ko sa aking full body mirror at nang makuntento ay nag lagay na din ako ng kaunting makeup.
I took my Yves Saint Laurent Le Carré shoulder bag and slung it over my shoulder. Inilagay ko na rin ang wallet at cellphone ko, I also took my canon digital camera. And for the final touch, I sprayed my Versace bright crystal perfume in my neck and all around my body.
Omygosh Shin! This is so not you!
"Ma, alis lang po ako." Bungad ko nang makababa na. Dumiretso ako sa gawi niya at hinalikan siya sa pisngi.
YOU ARE READING
Somewhere Only We Know
Novela Juvenil[ON-GOING] SOMEWHERE ONLY WE KNOW || SIEKEEXINE A story of a friendship, love, mistakes and regrets. Cover by: Kopi Cat Graphics