"Here, drink this." Abot niya sa akin ng bottled of water na tinanggap ko naman agad. Ininom ko iyon ng mabilis para hindi malasahan ang pait ng gamot.
Ayaw ko talaga ang umiinom ng gamot, napaka pait.
"T-thanks," ibinaba ko ang boteng hawak ko.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Pinakiramdaman ko naman ang sarili bago sumagot.
"Hmm, okay na. 'di na ganon ka sama." I answered. Kinuha ko ang notes sa harap ko habang siya naman ay naupo sa kaharapan ko.
Natapos ko na ang ilang subjects at dalawa nalang ang kailangan ko pang tapusing i-review. Umalis din kanina yung dalawa kong kaibigan at pumunta sa faculty dahil may isa-submit pa daw si Carra kaya naiwan kaming dalawa ni Razz dito ngayon.
"Razz," wala sa sariling tawag ko sa kanya. Humarap siya sa'kin ng may ngiti sa labi dahilan para mapatulala ako at makalimutan ang dapat na sasabihin ko.
"Hmm?" Shit! Bakit ganito? Umayos ka nga Shin! Napaka gwapo... No no no!!
Nakalimutan ko ang sasabihin ko, lintek na ngiti 'yan. Dapat wala lang sa'kin 'yon eh, normal naman na ngumingiti siya tsaka dati na siyang ganyan kaya dapat wala lang sa'kin pero...
"Hey," nabalik ako sa ulirat ng tawagin niya ako. "Kanina ka pa nakatitig." Aniya at nilinis linis pa ang kanyang mukha.
Akala niya siguro may dumi siya sa mukha, parang tanga naman kasi Shin. Parang gusto kong mag palamon nalang sa kinauupuan ko ngayon.
"A-ahh, ano... Kamusta kayo ni Annieka?" Gusto kong tampalin ang sarili ko dahil sa tanong na iyon, napaka random. Ang tanga ko naman sa part na tinanong ko siya ng bagay na ako rin ang masasaktan.
Hindi siya nakasagot agad at saglit pang napatitig sa akin, nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Ayos--" pinutol ko ang sasabihin niya at tumayo nalang para makaiwas narin sa awkward moments.
"Ano ka ba! Nag bibiro lang," kunyari pa akong natawa. Iyon na yata ang pinaka tangang nasabi ko. Nakatingin lang siya sa akin ng may pag tataka, hindi ko tuloy alam kung ano pang sasabihin ko.
Talagang... Oo na, edi kayo na ang ayos! Letseng mga 'to.
Bumalik ako sa pagre-review at buti nalang ay natapos ko ang lahat ng subject, iniligpit ko ang mga gamit ko at isa-isang inilagay ang mga iyon sa aking bag.
Napatingin nang biglang may humintong estudyante sa harap ng pwesto namin, tiningala ko ito at halos mapangiwi ako nang makilala siya. Speaking of the witch.
"Hi, Razz." Pabebeng panimula ni Annieka. Napahinto si Razz sa ginagawa niya at tiningala din ang babae.
"Annieka," Pabulong na sabi niya at walang ganang tiningnan ang babae.
"Are you free later?" Abot tenga ang ngiting tanonh niya habang itong isa ay parang walang gana. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, nakalimutan yata nilang nandito ako malapit sa kanila.
Nabaling sa akin ang tingin ni Razz ganon din si Annieka na unti-unting nawala ang ngiti. "No, I need to go somewhere." Sagot niya habang nasa akin parin ang tingin bago sinulyapan muli ang babae.
Napakurap ako.
"M-maybe next time?" This time ay pilit nalang ang ngiti niya hindi na kagaya kanina na halos napunit na ang kanyang labi sa laki ng pagkakangiti.
"Whatever," malamig na saad niya at nakatuon na pala ulit ang atensyon sa binabasa.
"See y-you next time, t-then!" Sabi ng babae bago tumalikod at patakbong umalis, parang naawa naman ako bigla sa kanya.

YOU ARE READING
Somewhere Only We Know
Teen Fiction[ON-GOING] SOMEWHERE ONLY WE KNOW || SIEKEEXINE A story of a friendship, love, mistakes and regrets. Cover by: Kopi Cat Graphics