Six

41 20 0
                                        

Shit! Shit! Shit!

MINADALI kong suklayin ang buhok ko at ayusin ang uniform ko. Shit talaga! Late na ako, masesermunan na naman ako neto.

"Shin anak bumaba ka na riyan." Rinig ko ang pag tawag sa'kin ni mama sa baba kaya mas lalo akong na pressure.

"Malapit na!"

Napasulyap ako sa paa kong hindi pa naka suot ng sapatos. Nag papadyak ako at padabog na hinanap ang black shoes ko, nag mamadali ko itong isuot pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at lunabas na ng kwarto para bumaba.

Tinakbo ko ang pababa ng hagdan at nagulat ako sa nakita ko sa ibaba. What the heck?

"Hi! Shin! At... Bakit... ka naka uniform, err." Si Arrie na pahina ng pahina ang boses at nakangiwi habang sinusulyapan ang kabuuan ng suot ko.

"Ahh... Girl, papasok ka?" Pigil ang tawang tanong ni Carra.

Nag tataka ko silang tiningnan. "Wednesday ngayon hoy!"

Pareho silang tumawa ng malakas na kinairita ko. Ano bang tinatawa-tawa nila diyan?

"Anak, andiyan ka na pala, kumain ka n-- bakit naka uniform ka?" Pati si mama ay tinatanong kung bakit ako naka uniform.

Si mama talaga, malamang kasi may pasok?

"Bakit?" Walang ideyang tanong ko.

Tawa pa'rin ng tawa yung dalawa, sarap nilang hagisan ng bato.

"Teh walang pasok." Sabi ni Arrie na halos di na makahinga sa kakatawa.

"Hindi 'to nakinig kahapon." Si Carra.

Napanganga nalang ako at inalala ang kahapon. Shit! Oo nga pala, na announce nga ni ma'am na walang pasok. Natampal ko tuloy ang noo ko. Sayang ang pag mamadali ko kanina, wala naman palang pasok.

"Oo nga, wala nga palang pasok." Kamot ulo akong tumalikod sa kanila habang sila ay panay parin ang tawa, mga tanga.

Umakyat ako ulit sa kwarto ko at nag palit ng damit. Bakit ba nakalimutan kong may meeting nga pala ngayon sa school kaya walang pasok, minadali ko pa tuloy ang sarili ko dahil akala ko ay late na ako.

Pag baba ko ay naroon pa'rin silang dalawa na naka upo na sa sofa at may pinag uusapan. Lumapit ako sa kanila at hinagisan sila ng throw pillow.

Para yan sa pag tawa niyo sa'kin kanina.

"Oh eh ano nga palang ginagawa niyo pa rito?" Bungad ko sa kanila.

Tumingin sila sa'kin.

"Nag aya itong si Carra na mag mall." Si Arrie. Napaharap naman ako kay Carra.

"Boring sa bahay tsaka wala naman kayong ginagawa." Aniya.

Well, totoo naman na boring nga sa bahay kapag walang pasok isama pa na wala nga kaming magawa. Pumayag akong mag mall kami pero pinakain pa muna kami ni mama bago daw kami umalis.

"Kumain na muna daw kayo, mag bibihis lang ako." Sabi ko sa kanila.

Ngumiwi si Arrie. "Nakakahiya kay tita."

"Wow parang ngayon ka lang dito ah." Pang iinis ko sabay tawa.

Humalakhak naman si Carra kaya napairap siya. "Wag ng pakitang tao Rie."

Wala silang nagawa nang tawagin sila ni mama para kumain, ako naman ay bumalik sa taas para mag bihis. Mabilis lang naman dahil naligo na ako kanina.

Sinuot ko yung pastel pink na shirt ko partner ng aking black short jumper. Sa sapatos naman ay sinuot ko yung black high cut converse ko, inayos ko ang buhok ko and hinayaan itong nakalugay tsaka sinuot ang pastel pink kong plain headband.

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now