Five

38 19 0
                                        

HAWAK ko ang digital camera ko at abala sa pagkuha ng litrato. Na bored lang talaga ako, maaga kasi kaming pinauwi ng adviser namin kaya dito muna ako dumiretso sa tambayan. Ayoko pang umuwi sa'min wala naman akong gagawin doon.

Panigurado ay matutulog lang ako tapos ay lalabas ng kwarto kapag nagugutom. Psh! Gawain mo talaga Shin!

Inilibot ko nalang ang paningin sa paligid. Ang tahimik, presko at napaka payapang tingnan. Ano kaya't walang pumupuntang tao sa lugar na ito? Well dulo na kasi ito ng park pero hindi maitatanggi na napakaganda dito. Kakatuwa nga na iniisip namin ni Razz na kaming dalawa lang ang nakakaalam ng lugar na ito.

Napasulyap ako sa daliri kong may suot na sing-sing. Ang tagal na nito, bata pa kami nung ibinigay sa'kin 'to ni Razz. Promise ring.

"Ano iyan?" Walang muwang na tanong ko nang iniabot niya sa akin ang kulay pulang box.

"Sing-sing." Tsaka niya binuksan yung box at tumambad nga saamin ang napaka simpleng sing-sing na may maliliit na bato sa gitna.

"Para saan iyan?" Manghang mangha ako sa ganda ng sing-sing at halatang mamahalin.

Kung tama ako na mamahalin ito ay saan naman kaya siya nakakuha ng pambili ng ganitong sing-sing?

"Sayo nga." Kinuha niya box ang sing-sing at inabot ang kamay ko.

Hinayaan ko lang siya sa ginawa niya at pinanuod siyang isuot sa'kin ang sing-sing. Ang galing nga kasi saktong sakto sa daliri ko ang sukat niyon.

"Ang sabi ni ate ko ay promise ring daw iyan kaya naisipan kong bigyan ka." Aniya.

Tinitigan ko pa itong nakasuot sa daliri ko at hindi ko talaga maiwasang mamangha. Ang ganda.

"Galing pa yan sa Italy, bigay ni ate kasi hindi kasya sa pinsan ko." Napatingin ako sa kanya.

"Italy?!" Gulat na tanong ko. Tumango lang siya at naupo.

"Binigay ko yan sayo kasi promise ko na magiging friends tayo hanggang pag laki!" Nginitian niya ako kaya naman nginitian ko din siya at tinabihan siya sa pag upo.

That was his promise to me before and I think natutupad naman niya kasi look at us now, we are still friends... Best friend.

Oh bakit parang dismayado ka pa yata na best friend kayo Shin? Buti nga dahil mag kaibigan kayo kaya nakakasama mo siya palagi.

Natawa ako sa sariling naisip. Dismayado nga ba ako? Bakit? Hindi, ang totoo ay masaya ako dahil may kaibigan akong tulad niya...

"Aga mo dito ah?" Natigil ako pag iisip at napalingon sa nagsalita sa likuran ko, ayun at nakita ko siyang nakatayo doon suot ang school uniform at bag niya. Malamang ay kakagaling niya lang ng school.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa ilog.

Ibinaba niya ang bag niya at nilagay sa gilid tsaka naupo sa tabi ko. Natahimik pa kmi saglit bago siya nag salita.

"Bakit bawal na ba?" Mahinang tawa niya.

"Dinala lang ako bigla ng mga paa ko dito, hindi ko alam na nandito ka din pala." Dagdag niya.

Tadhana nga naman...

Natawa na naman ako bigla sa naisip ko, grabe shin nababaliw ka na. Hindi na yata 'to normal, hindi... Wala lang 'to, hindi.

"Okay ka lang? Tumatawa ka bigla." Aniya kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh? Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. "Tumatawa ako mag-isa? Hindi!" Dipensa ko na pinag krus pa ang dalawang kamay.

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now