CHAPTER 7- Window View

18 7 6
                                    

Chapter 7

Bumaba na kami sa bundok at guess what! Parang hindi na crush ni Scarlet si Prince, haha. Siguro nalaman niya kanina nung sumigaw si Prince na 'Yes! Yes! He allow me! The bitter is now inlove!' I think lang naman.

Hindi na rin kami nagswimming sa dagat at aalis na lang kami papunta sa Museo De Baler. Actually 3 hr and 26 min papunta roon, what if pa kaya kung magswimming pa kami 'edi na late kami umuwi sa maynila.

"Thank you ate Devi! Sasusunod ulit. Masaya dito 'eh. May bonfire, kalmadong dagat, at bundok kung saan makikita ang magandang view." Pagpa-paalam ni Prince. Ready na kami umalis since kanina nung makababa na kami sa bundok. Inayos ko gamit ko at ganoon din sa kanya.

"Kailan kayo babalik Ma'am, Sir?" Tanong ni Devi at agad naman itong sinagot ni Prince.

"Siguro pag kasal na kami." Nagulat ako ng sinabi ito ni Prince. What? Kasal agad? Hindi pa nga tayo.

"Sa ngayon, magiging kami palang." Dagdag pa niya. Haha hindi makapaniwala si ate Devi dahil sabi kagahapon ni Prince na kami na, no Jamie. You can't believe him. Napakaplastik ko diba? Haha. Just kidding! Sa ngayon yes to court but no to relationship.

Umupo na kami sa sasakyan ko at umalis na sa Dinggalan. It's already 9:32am and maaga pa para mag museum but it's good kasi para makauwi na rin kami.

Kamusta kaya si Jasmin? I hope nasa Bicol na silang dalawa ni Mira, our schoolmate din. Si Mira kasi siya yung katabi ni Jasmin and nag usap kami last last night before kami magpunta dito na sa Bicol sila pupunta.

"So you want a breakfast again, Prince?" Tanong ko kay Prince dahil tahimik lang itong nakatingin sa bintana ng kotse.

"No need. You have a snacks pa here diba?" Tinignan ko sa likod kung meron pa nga bang natirang snacks, and yes meron pa nga.

"But magkaiba ang breakfast to marienda. Yeah i know it's food but Breakfast is often called 'the most important meal of the day', and for good reason. As the name suggests, breakfast breaks the overnight fasting period. It replenishes your supply of glucose to boost your energy levels and alertness, while also providing other essential nutrients required for good health." Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Haha, dami mong sinabi. Oo na breakfast is important. But the more important is you." Banat nito. Loko talaga to. Tatlong oras na rin ang lumipas and it's already 12:56pm.

"Ang bilis ng oras 'noh? Tara baba na tayo. I know na kung magkano bayad sa museum." I said at bumaba na rin kami at nagbayad ako sa babae ng 40 pesos dahil 20 pesos isang tao.

Sobrang ganda ng mga gamit dito, gamit pa ni Manuel Quezon. As in mapapa wow ka na lang talaga. Maganda rin yung ganito kasi yung mga gamit na ito matagal na panahon na.

Umakyat kami sa taas ng museum at marami rin ang mga gamit na naroroon. May mga gamit na panyo, I think this is anting-anting na ginagamit ng mga heroes natin dito sa pilipinas para maprotektahan nila ang sarili nila na kahit anong itak o bala ang maitama sa katawan mo ay hindi ka masusugatan.

Bababa na sana kami ngunit sa pagtapak ko sa hagdan bigla akong natapilok at agad naman akong sinalo ni Prince.

"Are you okay?" Tanong nito sa akin at matagal din kaming nagkatitigan. Wow ha ikaw pa itong malandi? Tumayo ulit ako at bumaba.

"You think that I'm okay?" I said at napailing na lang ito.

Sa di kalayuan nakita namin ang Doña Aurora House kaya pumunta kami roon. Walang bayad kaya okay lang. Pagka-akyat namin ng bahay na ito, nakita namin ang lamesa at may nakalagay na pinggan, baso, at kutsara. Umupo ako doon at tinignan ang mga ito ng matagal.

After kong titigan ang mga nakalagay sa lamesa, pumasok ako sa unang kwarto at may bintana roon at makina na may mga sinulid pa. Nagpa-picture ako kay Prince sa may bintana. Pumasok siya sa pangalawang kwarto para doon ako picturan kasi may bintana rin doon. Sinimulan niya akong kuhanan ng litrato.

"1, 2, 3 smile!" Prince said and i smiled na pang dyosa. Well I'm obviously goddess of beauty, char.

Masaya akong makita si Prince na masaya rin. Hindi ko naman inexpect  na aamin siya na may gusto siya sa akin. Paano? Paano niya ako nagustuhan? I'm rude and I'm bitter, no wonder baka siguro dahil kay Jasmin. Siguro sinabi ni Jasmin kay Prince na gustuhin niya ako.

"Wala basta gusto lang kita. Ang totoong pag ibig walang dahilan. Kung mahal kita, mahal kita!" Prince said. What? Nalalaman niya nasa isip ko?

"Uhmm, paano mo nalaman iniisip ko na pinaghihinalaan kita?" Nagtaka siya at ngumiti.

"So you're thinking about me, huh?" I smiled secretly at tinawanan siya.

"Hoy, haha! No kaya! I'm not thinking about you..." Please help!

"I'm thinking about you..." I whispered.

"Tara na! Alis na tayo! Uwi na tayo it's already 11:06am!" I said at bumaba na kami para umalis. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagpatugtog. Hindi ko naisip na magpatugtog nung isang araw na pagpunta namin here in Aurora kaya pala tahimik siyang nakatitig lang sa bintana, haha.

"'Cause I-I-I'm in the stars tonight
So watch me bring the fire and set the night alight." Kanta ni Prince at okay pala talaga siya kumanta 'noh? It's like an angel singing... for me.

Ilang saglit pa ay nakisabay na rin ako sa pagkanta dahil favorite song ko'to. I idolize this boy group because this boys saved my life before when I'm thinking that I'm alone.

--

It's already 4:56pm and we are in Prince home na. "Prince, thank you for last night ha! I hope makatulog ka ng maaga." I said and i see him smiled.

"I love you!" What? Hindi manlang niya sinabi name ko? Baka iba pa inayloveyuhan niya.

"I love you, Jamie!" Nagulat ako ng sinabi niya ito. What naiisip talaga ni Prince iniisip ko?

"Okay, goodbye and goodnight!" Maaga akong naggoodnight for him because magdidilim na rin at inabot ko sa kanya yung mga snacks na natira dito sa kotse kasi wala naman na kakain 'non eh.

_______________
#GoddesButBitter

Ft. Song "Ako Naman Muna" by Angela Ken

Goddess But BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon