CHAPTER 4- Trip With You

21 6 5
                                    

Chapter 4

"Yaya? Yaya!" Sigaw ko sa kwarto dahil wala pang maid na uma-akyat.
After 2 minutes, may kumatok sa kwarto at agad ko rin binuksan.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko.

"Ma'am? Sorry po, may pinagawa lang po kasi dad mo." Maid.

"Hays, palagi naman 'eh. By the way, kunan mo ako ng maraming foods tapos ilagay mo sa black colored MERCEDES AMG GT 63 S and costs exactly $ 161,000 car ko." Agad namang tumango ito at sa-sarado niya na sana ang pinto ng bumalik ito.

"Yung susi po, ma'am?" Tinuro ko sa lamesa ko yung susi at umalis na ito.

Nakasuot ako ng Korean Candy Vest Top, pants, and white t-shirt para sa panloob. Louis Vuitton Monogram MM with beige interior tote ang gagamitin kong shoulder bag. Wala kaming pasok ng 4 days para sa project namin at kagabi lang ito ina-nounce. Ready na ako umalis kaya bumaba na ako.

"Dad, Mom, I'll be late. I'm leaving." I said at umupo na ako sa sasakyan at pina-andar ito papunta sa bahay ni Prince.

Nang ilang minuto, huminto ako para bumili sa 7-eleven. Pumasok ako sa store at kinuha ang gatorade na color blue para tuloy-tuloy yung energy ko. Nakaka-pagod rin kasi mag drive.

Binayaran ko na ito at pumasok na muli sa kotse. Ito nga palang kotse na ito ay katulad ng kay Jeon Jungkook at black din color. Wala lang naisipan ko lang na ito kotseng bilhin ko dahil big fan niya ako since 2017.

Nagtext ako kay Prince dahil hindi ko alam kung saan na ba ako liliko.

To: Prince Garcia
𝘖𝘺! 𝘚𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘭𝘪𝘭𝘪𝘬𝘰? 𝘋𝘪 𝘬𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘨 𝘵𝘦𝘹𝘵 𝘣𝘢𝘤𝘬.

Naghintay ako ng 2minutes bago siya magtext. Siguro kasi nagaayos pa ito.

From: Prince Garcia
𝘚𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘣𝘢?

To: Prince Garcia
𝘋𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘞𝘢𝘬𝘢𝘴, 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰. 𝘋𝘪𝘣𝘢 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘶𝘯𝘥𝘶𝘪𝘯, 𝘴𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺.

From: Prince Garcia
𝘖𝘰 𝘴𝘪𝘨𝘦. 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘮𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰.

Habang hinihintay ko siya naisipan ko munang matulog, feeling ko hindi effective yung gatorade na binili ko kanina.

Nagising ako ng may kumatok sa bintana sa kotse ko. Si Prince nakatayo at kumakatok. Agad ko naman siyang pinagbuksan at umupo siya sa kaliwa sa front seat katabi ko.

"Oh? Ayos pala 'tong kotse mo ha. Asan nga pala yung pagkain? Yung snacks? Sabi mo libre mo yun, diba sa text natin dalawa kagabi?" Tanong niya at napaka patay gutom rin naman pala 'to eh.

"Hoy! Naiisip ko na sasabihin mo na patay gutom ako, sadyang gutom lang dahil hindi pa ako nagbe-breakfast." He said. Ahh kaya naman pala. Agad ko naman tinuro yung pagkain sa likod at nagkalikot na siya.

"Wag mong kainin yung chichirya, mamaya na yan. Kainin mo yung nasa lalagyanan diyan na kulay black. Nakalagay dun kanin tapos bacon. Yan lang dala ko kaya magma-mcdo na lang tayo or iba pang food store for lunch and dinner." Nag oo naman ito at kumain na.

Nilagay ko yung phone ko sa may phone holder para mag ways at para malaman ko kung saang daan ang lilikuan ko.

Pupunta nga pala kami sa Dinggalan Aurora dahil may beach na at aakyat pa ng bundok at dahil yun narin ang napag-desisyunan naming dalawa na sa Aurora nalang. Marami rin kasi doon na magagandang scenery.

Goddess But BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon