Chapter 2
"Hi I'm-" hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil biglang pumasok sa room si Sir. Allegre. Kaya lahat kami ay umupo na. Si Prince ay nakaupo katabi ni Aliya yung bida-bida naming kaklase. Pero duh ako lang ang reyna dito.
"Everyone, Goodmorning. Sit now and listen carefully. I'm your teacher for today's class. 4th year na kayo at malapit na rin grumaduate. Kaya sana galingan niyo today dahil magpapa-quiz ako." Bati ni Sir sa amin.
Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang kaba at takot na baka hindi sila pumasa dahil si Sir. Allegre ay isa sa mga academic subject teacher, so ako naman, chill-chill lang, pero may kaunting kaba. Sino ba namang hindi diba?
"Nga pala, you have a new classmate today's year. Halika dito Prince. Magpakilala ka sa mga new classmates mo." Pumunta sa harap si Prince at nagpakilala. Sawakas makikilala ko na siya since new student pala siya.
"Hi everyone! I'm Prince Kyle Garcia. I'm 20 year's old. Nagtransfer ako dito sa Riverdale Alchemy kasi lumipat kami dito sa Maynila mula sa Sorsogon. But yeah, sana maging friends ko kayo." He said while smiling.
So galing siya ng Sorsogon, right? Wait ano ba Jamie? Diba makikipag-kaibigan ka sa kanya para paasahin siya na kunwari ay gusto mo siyang maging boyfie? But kailangan kilalanin ko muna siya bago saktan.
"Okay, that's it. Go back to your sit Prince. And now listen class. Please prepare your notebook and write 1-10 number cause we will start the quiz." Kumuha ako ng notebook na galing pa sa Muji store at nag sulat na. First day na first day may quiz agad.
Natapos ang quiz namin at ipinasa ko na kay Sir.
"Sir tapos na po ako." Agad naman niyang tinignan ito at chinekan. Perfect ako. Well I'm not surprised, lagi naman.
"Kamusta ka naman Jamie? I heard Josh came here to visit and court you, right? Did you allow it? Well last 3 years ago when he leave you." He said. Chismoso rin naman pala 'tong lalaking 'to eh.
"Sir, you are very gossipy. Ahead of you I'm telling the truth. Definitely no! Why? Because I'm Jamielle Ann Cervantes, the girl who will never fall for a guy. And the girl who will break everyone's heart." Hindi na nakaimik si Sir at binigay sa akin ang notebook ko.
Matapos ang klase. Sabay kaming pumunta ni Jasmin at kumain sa canteen ng pinareserve naming Kwek-kwek at Fishball. Tahimik kaming kumakaing dalawa dito sa may lamesang may isa pang bakanteng upuan. Biglang nagsalita si Jasmin at nagtanong.
"Ang gwapo rin ng new transferee, right? Ang cute niya. Bagay na bagay siya sa akin. Ano nga pala ulit name niya?" Biglang may nagsalita sa likod namin, lalaki may hawak na tray na nakalagay naman duon yung pagkain niyang pancake.
"I'm Prince Kyle Garcia. I'm 20 year's old. Nagtransfer ako dito sa Riverdale Alchemy kasi lumipat kami dito sa Maynila mula sa Sorsogon. But yeah, sana maging friends ko kayo." aba kabisado niya pa yung line niya kanina sa introducing.
"So, you are Prince, right? Pero bakit naman dito mo naisipang umupo?" Tanong ko habang nakakunot-noo at nakataas ang kanang kilay.
"Bakit? Bawal ba? Attitude ka huh! Bawal ba kita maging girlfriend?" He said while smirking.
"Ehem!" Sabi ni Jasmin at napatingin sa amin dalawa.
"Well, to tell you honestly. I'm Jamielle Ann Cervantes in short Jamie, the girl who will never fall for a guy. And the girl who will break everyone's heart. Hindi ako maatittude 'noh! Maatittude ako sa mga hindi ko kaklase lalo pa't nakatatak pa rin sa mga ulo nila na nagmuka akong kawawa 3 years ago, kaya hanggang ngayon pinagtatawanan nila ako. Ultimo video nga na nag-aaway kami ng dati kong boyfriend, nakasave pa rin sa mga gallery nila." I said to him.
BINABASA MO ANG
Goddess But Bitter
Storie d'amoreMeet Jamie, she's goddess, she's famous, she's rich. She get what she wanted, but she's bitter in love. She said she would never let her fall in love with the man again. But in an unexpected turn of events, a man came into her life, a man who showed...