Chapter 2

46.4K 1.2K 136
                                    

GUSTONG magtago ni Angelyn nang makita ang mamahaling sasakyan na nakaparada sa harap ng paaralan na pinapasukan niya. Her Uncle already informed her that, Kyst, will visit her daughter today. Hindi niya alam kung bakit siya ang kinakabahan gayong ang anak naman niya ang dadalawin.

"Hey, Ms.Valencia. Wanna have lunch with me?"

Napahawak sa dibdib si Angelyn nang biglang sumulpot sa gilid niya si Sir.George. Parang kabuti ang lalaki at sumusulpot nalang kung kailan nito gusto. He was smiling at her, litaw ang gilagid nito. Itinuro ni Angelyn ang anak na nagkukulay ng coloring book sa lamesa niya sa loob.

"I'm with my daughter. Still want to have lunch with me?" pekeng ngiti ang ibinigay ni Angelyn sa Principal.

Nakita niya kung paano ngumiwi si George at umiling. As expected. Her daughter, Khaila, wished to have a complete family. Pero paano niya maiibibigay 'yon kung bawat lalaki na lumalapit at nagpapakita ng motibo sakanya ay siya lang ang gusto? Ni hindi man lang nagpaka plastic kahit ilang segundo na hawakan at makipag laro sa anak niya?

Ingat na ingat din si Angelyn sa mga lalaki. Hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya noon. Tama na ang isa. Her life is a mess because of a man, so why would she welcome another man in her life? Napabuntong hininga nalang siya.

"Maybe next time.." sagot nito. Nagtiim bagang si Angelyn, handa na siyang kausapin ng deretsahan ang binata nilang Principal nang may matigas na braso na pumalupot sa may likuran patungo sa tiyan niya. Her eyes widened when she smell a familiar perfume. The smell was so manly.

"Who are you?" the voice ask menacingly.

"George. The Principal of this school." Proud na sagot ng lalaki. Gustong hampasin ni Angelyn ang mukha ng lalaki, simula noon hanggang ngayon wala pa rin itong nagagawang matino sa paaralan. Ni ipaayos ang mga silid na nasisira e hindi nito magawa, then he has the guts to be proud?! Ngayon lang nag-init ang ulo ni Angelyn sa Principal, ang tagal din niyang nagpa sensya dito.

"Nice too meet you, Sir." Ngumiti si Kyst, pero halata naman na peke 'yon. "Where's Khaila?" tanong nito sakanya. Napalunok siya dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. She can even smell his breath! In all fairness, ang sarap ng amoy.

"Nasa room ko, puntahan mo nalang." aniya. She needs to talk to George, so she can clear to this man that she have nothing to do with him.

"Ms.Valencia, manliligaw mo din ba siya?" Naramdaman niyang natigilan si Kyst sa tono ng boses ni George. Parang mananakmal ang binatang principal sa tono na ginamit nito. "Husband? Perhaps?" he added.

"I'd like to think that I am her husband. But she'll throw a fit so... No." sagot ni Kyst na may nang-aasar na ngisi sa labi. Pasimple niyang siniko ang tiyan ni Kyst, pero parang ang siko pa niya ang nasaktan. Ang tigas!

"They'll having a lunch with me so, you can't take her baby." gusto niyang matawa sa sagot ni George pero pinigilan niya ang sarili. Instead she played innocent.

"Really, Sir? We're having a lunch now with my daughter?" pinalungkot ni Angelyn ang mukha niya. "But, I thought you only want to have lunch with me? What's with the sudden change of mind?" nang-uuyam na tanong niya sa lalaki.

"Well, na realize ko lang na dapat na natin isama ang anak mo kapag lalabas tayo." he's blabbering nonsense. Napailing nalang si Angelyn.

"So you can score a date with me? I'm sorry, Sir. But you need to stop now. Sa mahigit isang tao na nagta-trabaho ako dito, you only invited me alone. At ngayon gusto mong isama ang anak ko dahil may nakita kang lalaki na nagpapakita ng interes kay Khaila?" she scoffed and leave the man dumbfounded.

LCS 2: Kyst Miller (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon