Prologue

59.5K 1.2K 170
                                    

KYST looked fiercely at the camera, he is bare naked and only wearing a boxer shorts. The flashes and lightning doesn't bother him anymore, sanay na siya dahil ito ang ginagawa niya sa pang araw araw. Dumapo ang paningin ni Kyst sa mga babaeng model na nagkukumpulan sa may sulok, he smirk and shake his head.

"One more shot and we're done." instruct sakanya ng kaibigan na siyang nagsisilbing photographer. Ilang flash pa ng camera ang sumilaw sa mga mata niya bago sila natapos. Agad tumayo si Kyst at inabot ang bath robe na iniabot ng manager niya.

"Am I done for today? I want to rest." reklamo niya sa manager. The manager just rolled his eyes and checked his tablet. Umupo siya sa isang mono block chair at sinenyasan ang isang make up artist na lumapit sakanya.

"Yes Sir Kyst?" anito sa malambing na boses. He sighed and stared at the make up artist boredly.

"Remove my make up, naiirita ako." utos niya at ipinikit na ang mata.

He's been working beautiful ass off since yesterday, photo shoots after photo shoots, runway and guesting. Pagod na ang katawan ni Kyst, kailangan na niya ng sapat na tulog para mabawi ang lakas. Masyado siyang sinagad ng manager niya sa buong linggo.

"Mabel, cancel my shoots for next week. Kailangan din ng atensyon ng Kumpanya ko." he said. Kumunot ang noo niya nang maramdaman na parang hindi natatapos ang ginagawa ng make up artist na inutusan niyang magbura ng make up na nasa mukha niya. "Stop. I want to sleep, leave me the fuck alone." he hissed and stood up.

Ipinalibot niya ang tingin sa buong studio at isang mahabang sofa lang ang nakita niya. He doesn't mind tho, his eyelids were heavy, at inaakit na ng sofa ang katawan niya na humiga doon at magpahinga kahit saglit lang. Hindi na niya alintana ang manager niyang panay ang sermon sakanya at pinipilit na magbihis muna kahit pang-itaas lang bago matulog.

"Kyst! Magbihis ka muna aba! Pinagtitinginan ka ng mga babae oh!? Sige na magbihis kana, baka ma rape ka dito ah!" His manager, Mabel, hissed. He rolled his eyes and crossed his arms over his chest. Itinuro niya ang mga nakapilang babae sa likuran ng manager niya.

"Alam ng mga babae na 'yan na ayaw kong naiistorbo sa pagtulog, lalo na ngayon at pagod ako. Just tell them to fuck off, I'm not in the mood to fuck." walang ganang utos niya sa manager niya.

Kyst spend his life mourning for her deceased wife, hindi na siya nagka relasyon pagkatapos mamatay ng asawa niya dahil sa aksidente. His wife died in a car accident, he blame himself that day. Sinisisi niya ang sarili na nagpaka pagod ito sa trabaho at hindi ito nasamahan na pumasok sa opisina kung saan nagta-trabaho ang asawa. So many what if's in his wife. Kung siya ba ang nagmamaneho sa sasakyan maaksidente ba ang asawa niya? Or maybe sabay silang mawawala sa mundo.

"Fine! Matulog kana doon, gigisingin nalang kita after 1 hour. Doon lang ako sa may upuan, babantayan kita! Wala akong tiwala sa mga babae na lumalapit sayo." umirap sa ere si Mabel at umalis na sa harapan niya.

Mabel was his secretary since god knows how long, Mabes was like a father and a mother to him. Todo alaga ito sakanya kahit na wala silang shoot or runway na dadaluhan. He's an efficient manager that everyone would love to had. Maswerte nalang talaga siya at natyempuhan niya si Mabel.

"Ladies, gustong magpahinga ng alaga ko. Wala siyang time na i-entertain kayo isa isa, better luck next time! Okay? Babush! Gora na, labas na!" narinig niyang taboy ni Mabel sa mga babaeng model na nagkukumpulan kanina sa tabi.

Ipinatong niya ang braso sa mata nito at pinilit ang sarili na makatulog. Nakukuha na ni Kyst ang tulog niya ng biglang sumigaw ang manager niya at nagmamadaling lumabas ng studio. He sighed once again and squeezed his eyes shut.

LCS 2: Kyst Miller (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon