63 ( AAKB )

11 3 0
                                    

ANNA ( pov )

Nasa library ako nang magulantang sa nahulog na libro. Dahil sa nakatulog ako, pupungas-pungas pa akong bumangon at nilapitan ang makapal ang libro. Nahagip pa nang mga mata ko kung anong klaseng libro 'yun, Dictionary English-Tagalog. Nagtataka man dahil bigla na lang 'tong nahulog, dinampot ko na lang at akmang ibabalik na sa bakanteng lagayan nang mapansin ang puting papel na nakasuksuk dito.

Dahil kuryoso akong tao, hinugot ko 'yun at sinuri ang laman. Kumunot ang noong binasa ko ang malalaking letra na nakasulat do'n.

SA TAGPUAN.

-- VIN --

Napangiti ako nang mabasa ang nakasulat. Bakit hindi na lang ako tinawagan ni Vin kung gusto pala niyang makipagkita sa'kin?

Nasabik akong makita siya dahil dalawang araw na kaming hindi nagkikita. Ang TAGPUAN na sinasabi niya ay sa parke malapit sa boundary ng San Fernando at Mabini.

Nagmadali akong sininop ang mga gamit ko. Nahulog pa ang paborito kong ballpen na may nakaburdang GARCIA sa takip nito. Nang pupulutin ko na 'yun biglang gumewang ang pagyuko ko at medyo nahilo. Isinawalang bahala ko na lang at ngumiti nang makatayo ako nang tuwid.

Masaya akong lumabas nang silid aklatan. Matinis ang boses ko na nagpaalam sa librarian at masaya din siyang kumaway sa'kin pabalik.

"Ingat pag-uwi Anna!"

"Kayo rin po Miss Mentoza!"

Tatalon-talon kong tinahak ang daan papuntang gate nang ekwelahan. Nasa ground floor lang nang building ang library kaya hindi na ako mapapagod pa sa pagbaba nang hagdan.

Nasa labas na ako nang gate at handa nang maglakad papunta sa paradahan nang tricycle. Dahil nitong mga nakaraang buwan na nagkaroon kami nang relasyon ni Vin, hindi ako nagpapasundo sa tauhan ni Mamita. Ayokong malaman nila ang tungkol sa'min ni Vin dahil paglalayuin kaming dalawa.

Malapit na akong makarating sa mga nakaparadang tricycle nang may humintong sasakyan sa gilid ng kalsada. Bumusina pa ito. Hindi ko kilala kung kanino ang magarang kotse na 'to dahil ngayon ko lang 'to nakita.

"Anna right? Pinapasundo ka ni Vin."

Nagtataka ako dahil wala namang nakakaalam na magkikita kami ni Vin sa tagpuan. Nanatili akong nakatayo do'n at hindi umimik. Lumakas na din ang tibok nang puso ko.

"Huwag kang matakot Anna, kaibigan kami ni Vin. 'Diba sa tagpuan niyo kayo magkikita?"

Umaliwalas ang mukha ko. Naniwala ako sa kaniya nang banggitin niya ang tagpuan. Kami lang ni Vin ang nakakaalam no'n.

"Halika na. Baka mainip 'yun do'n. Ikaw din."

Nakangiti kong binuksan ang pinto sa harap. Pagka-upo ko ay napansin ko ang tatlo pang lalaki sa may likuran.

"Hi Anna! Kaibigan kami ni Vin!"

"H-hello," nag-aalangan man ay binati ko rin sila pabalik. Nakangiti ang dalawang lalaki sa'kin, pero 'yung nasa gitna nila ay halos hindi ako matingnan nang diretso.

"Nagugutom ka na ba? May pagkain at inumin ako dito." Inabutan ako nang isang lalaking hindi mailalayo ang kagwapuhan kay Vin. Maayos din ang kaniyang pananamit at mukhang respetadong tao.

Kaya hindi na ako nag-alangang abutin 'yun. Naging kumportable ako sa presensiya nila, dahil sa mura kong isip madali akong naniniwala sa lahat nang sasabihin nang iba.

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon