PANG PITO

40 12 0
                                    

BABALA : Basahin niyo ang aking kwento nang hindi napipilitan -- Ang mga pangyayari, lugar, mga tauhan ay nasa kathang isip lamang ng Author at hindi nangyari sa totoong buhay. Wala akong pakialam kung laitin niyo man gawa ko -- nagsusulat lamang ako para magbigay inspirasyon at magpasaya sa ibang tao. Inuunahan ko lang kayo sa mga grammatical errors -- typo's -- misspelling na mababasa niyo sa kwento ko.

Follow niyo ko kapag gusto niyo lang naman -- FB account : Arcela Panganiban Erum -- INSTAGRAM : ARIELLAERUM

Enjoy Reading Bibies ❤❤




EXXEL ( pov )

"Bakit ka bumalik dito?"

'Yon ang mga katagang narinig ko nang magising ako. Nangangawit pa ang leeg at braso ko dahil sa pwestong ginawa ko. Boses 'yon ni Vin, Hindi ako magkakamali dahil kabisado ko ang nakakatakot niyang boses kapag galit siya. Bumangon ako at sumandal sa upuan. Nagtataka pa ako dahil nakaupo si Anna sa tabi ko habang blangko ang tingin niya sa kaibigan ko.

"Ano bang binabalak mo at bumalik ka pa dito? Gusto mo na namang sirain ang buhay ko? Tahimik ang mundo namin nang wala ka Anna. Gusto ko lang ipaalam sa'yo baka nabibigla ka lang kaya ka nandito."

Palipat lipat sa kanilang dalawa ang paningin ko. Nakita ko ring nakahawak sa magkabilang braso ni Vin sila France at Anthony, na parang pinipigilan nilang sumugod siya sa babae.

"Speechless why because you think I will ignore you and forget what happen before? Nakatatak ka na sa isip ko kaya huwag mong asahan makakalimutan kita at ang ginawa mo."

Sarkastikong tumawa si Anna habang walang ganang tumayo at hinarap si Vin.

"Hindi mo pala ako maalis sa isip mo eh sa puso mo ako pa rin ba ang tinitibok niyan hanggang ngayon?"

Nabibiglang sinamaan ni Vin ng tingin si Anna. Bahagya pang nakanganga ang labi niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig sa babaeng kaharap niya.

"Huwag ka ngang assuming Anna Garcia. Baka nga ikaw ang hindi pa nakaka-move on sa ating dalawa. P'wes sinasabi ko na ngayon na hindi na maibabalik ang dating tayo dahil tira-tira na lang kita."

"Vin tara na. Hayaan mo na lang siya. Manahimik ka na lang tulad ng ginagawa mo araw-araw," si France na may hawak na chichirya sa kabilang kamay niya.

"Just ignore each other. Kahit magkasalubong kayo sa daan ituring niyong hindi kayo nagkakilala para wala nang gulo Vin at Anna nakikiusap ako," si Anthony. Siya talaga ang mas matured mag-isip sa'ming lahat.

Marahas na inalis ni Vin ang mga kamay na pumipigil sa kaniya at inilapit ang sarili kay Anna. Hindi naman natinag ang huli at nakipagtitigan pa kay Vin pero wala siyang sinasabi.

"Hindi ko papalagpasin ang ginawa mo sa'kin Anna Garcia. Itaga mo sa bato magdurusa ka rin at magmamakaawa sa'kin"

Mabilis na tumalikod si Vin sa'min. Maya-maya lang ay hinabol na ng dalawa ang kaibigan pagkatapos akong tanguan at si Anna. Pagbaling ko sa babae, nakatingin na siya sa'kin. Wala akong mabasang emosyon sa kaniya. Masyado siyang pribado para mahalukay ko ang tunay niyang pagkatao.

"Oh."

Binaba ko ang paningin at nakita ang paper bag sa mesa. Nagtataka akong binalik sa kaniya ang tingin ko.

"Ano 'yan? Hindi ko pa naman birthday ah at bakit ka pala nandito hinahanap mo ba si Padilla?"

"Buksan mo na lang huwag ka ng magtanong."

Inismiran ko muna siya bago inabot ang paper bag. Ang sungit talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Naaamoy ko na ang nasa loob kahit hindi ko pa nabubuksan. Inilabas ko ang dalawang styro box, pagbukas ko kanin at ulam.

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon