RETREAT ( PART 1 )

13 2 0
                                    

BABALA : Basahin niyo ang aking kwento nang hindi napipilitan -- Ang mga pangyayari, lugar, mga tauhan ay nasa kathang isip lamang ng Author at hindi nangyari sa totoong buhay. Wala akong pakialam kung laitin niyo man gawa ko -- nagsusulat lamang ako para magbigay inspirasyon at magpasaya sa ibang tao. Inuunahan ko lang kayo sa mga grammatical errors -- typo's -- misspelling na mababasa niyo sa kwento ko.

Follow niyo ko kapag gusto niyo lang naman -- FB account : Arcela Panganiban Erum -- INSTAGRAM : ARIELLAERUM

Enjoy Reading Bibies ❤❤






ANNA ( pov )

Nakasandal lang ako sa may harap ng stage at naghihintay sa mga kasama. Walang pasok ang mga lower year dahil sa Retreat na magaganap ng mga Forth year. Alas otso ang call time na dapat kompleto na ang mga estudyante. May tatlong malalaking bus na ang nasa labas ng school at naghihintay, may mga estudyante na ding kanina pa naghihintay.

"Good morning Anna, ang aga mo yata?" Nilingon lingon pa niya ang paligid. Mukhang may hinahanap.

"'Morning Sir" seryosong bati ko. Kahit na lagi siyang nakangiti kapag kinakausap ako, hindi pa din maganda pakiramdam ko sa kaniya.

"Wala kang kasama? Do you mind to ride on my baby again?" Nilapag niya ang malaking bag na dala, at isang box sa lapag. Tumabi siya sakin at sumandal din sa harap ng stage.

"No thank you" umisod ako ng konti, hindi kami close para dumikit siya sakin.

"Hindi naman ako katulad ni Quintin Anna, so relax and don't worry" malumanay niyang saad.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa mga nagdaratingang estudyante. May mga napapasulyap pa sa direksyon namin, pero kapag nakikita ang guro kumakaway sila at bumabati.

"Kasama natin ang mga teacher ng Forth year kaya makakapante ang lahat kahit na madami ang sumama at malayo ang pupuntahan natin" paliwanag pa niya. Sinisiguro marahil niyang gagaan ang pakiramdam ko sa kaniya.

"Pinasama din ng Prinsipal si Miss Sassy" hindi ko siya nililingon. Kahit magsalita siya ng magsalita diyan wala naman akong pakialam.

Hinayaan ko lang na manatili siya sa kinatatayuan niya. Hindi naman ako ganun kabastos para ipagtabuyan siya. Kahit na hindi ako mapakali dahil sa ang lapit lapit niya sakin, alam kong wala namang masama sa pagtayo lang namin dito sa harap.

"Anna, wala pa si Exxel" naglalakad na palapit samin si Vin. Blangko ang bakas ng mukha niyang palipat lipat samin ng guro.

"Wala pa" medyo umisod ulit ako palayo kay Sir Mendoza. Hindi talaga ako kumportable.

"Good morning Sir" nang mailapag ni Vin ang gamit na dala, dinukot niya ang cellphone at nagpipipindot dun. Maya maya lang ay may kausap na siya sa kabilang linya.

"Diba ex-boyfriend mo si Vin Cortez?"

Ayoko mang sagutin ang tanong na yun ni Sir, napatango na lang ako habang na kay Vin ang paningin ko.

"Tapos boyfriend mo si Exxel? Hindi ba awkward?" Naiinis ako sa tanungan niya. Hindi kami magkaibigan para magtanong siya sakin ng personal na bagay.

"Kailangan bang sagutin ko yan?" Walang ganang baling ko sa kaniya. Nakangiti na naman siya sakin. Na halos hindi na makita ang eyeballs niya.

"Hindi naman, pero hindi naman masamang sagutin mo ang tanong ko Anna" hindi nawawala ang ngiti niya sa mga labi habang nagsasalita siya. Ayoko mang aminin pero maganda ang ngiti niya, pantay pantay ang mga ngipin niya, at hindi nalalayo ang kagwapuhan niya sa magkakaibigan. Medyo bata pa siyang tingnan.

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon