79 ( AAKB )

21 3 0
                                    

BABALA : Basahin niyo ang aking kwento nang hindi napipilitan -- Ang mga pangyayari, lugar, mga tauhan ay nasa kathang isip lamang ng Author at hindi nangyari sa totoong buhay. Wala akong pakialam kung laitin niyo man gawa ko -- nagsusulat lamang ako para magbigay inspirasyon at magpasaya sa ibang tao. Inuunahan ko lang kayo sa mga grammatical errors -- typo's -- misspelling na mababasa niyo sa kwento ko.

Follow niyo ko kapag gusto niyo lang naman -- FB account : Arcela Panganiban Erum -- INSTAGRAM : ARIELLAERUM

Enjoy Reading Bibies ❤❤





ANNA ( pov )

Pagkatapos ng panghapong klase, dumiretso na akong lumabas ng classroom. Nagtaka pa ako kung bakit nasa labas si Alisson at mukhang hinihintay ang paglabas ko.

"Ali, tapos na practice niyo?" Mababakas ang kaseryosohan sa mukha niya. Hindi ko makita ngayon ang mapang-asar na Alisson sa harap ko.

"Sama ka mansyon, mis ka na ni Mamita" nauna na siyang maglakad sakin pababa ng palapag. Nakipag sabayan siya sa mga estudyanteng nagmamadali na ding umuwi. Ipinilig ko na lang ang ulo at sumunod sa kaniya.

Hindi ko nakita sa paligid si Exxel at kaniyang mga kaibigan. Tatanungin ko na lang siguro mamaya kay Ali o tatawagan ko na lang siya pagkarating namin sa mansyon.

Nasa loob na kami ng kotse ni Alisson pero hindi pa din siya umiimik. Masyado siyang seryoso kaya hindi na din ako nagsalita. Hindi na ako nagtanong kung anong merun at bakit biglaan ang pagbisita namin kay Mamita.

Nitong nakaraan ay hindi ko napapansin ang prinsipal sa loob ng eskwelahan. Madalang na lang siyang bumisita sa mga silid ng paaralan upang mag-obserba, pero ngayon hindi na yata niya nagagawa.

Mahigit isang oras ang binunu namin sa daan bago narating ang bahay ni Mamita. Malaki at hindi maikakailang maganda pa din ang labas ng mansyon. Sagana sa linis at ayos ang buong kabahayaan. Hindi ko alam kung nandito rin si Manang Lily, minsan kasi umuuwi siya sa kanila kapag may oras siya.

"Anna!" Masayang bati ni Manang sakin. Halata na ang pagtanda ng itsura niya. Medyo kumukuba na din siya dahil marahil sa katandaan, pero maaliwalas pa din ang bakas ng mukha niya kapag nasa harap ko siya.

"Manang, kamusta po kayo?" Ginantihan ko ang higpit ng yakap niya sakin. Medyo nangilid pa ang luha ko dahil sa init ng pagtanggap niya sakin dito sa mansyon.

"Hay naku! Ang sabi ko sayo, dalasan mo ang pagbisita dito" maluha luha niyang saad. Nakakapagtaka dahil lagi ko siyang nakikitang nakangiti, na pati mga mata niya ay nakikisali. Pero ngayon, nakangiti siya pero may lungkot akong nakikita sa mga yun.

"Naging abala lang po sa eskwela manang, si Mamita po?" Lumikot ang mga mata niya. Dahan dahan niyang ibinaba ang mga kamay na nakahawak sa braso ko at iginiya ako paakyat sa magarang hagdan.

Nilingon ko pa si Ali na nasa likuran ko kanina. Tahimik lang siyang naglalakad, nakayuko at kinukotkot ang mga daliri sa kamay.

Kinabahan ako sa katahimikan ni Manang at Alisson. Sa ibang pagkakataon, aasarin ko si Ali dahil sa itsura niya. Pero ngayon hindi ko magawa, parang may mali sa biglaan naming pagbisita dito sa mansyon.

Bahagyang nakaawang ang pinto sa kwarto ni Mamita, kaya kita ko mula dito sa labas ang kalagayan niya. May IV Fluid na nakakabit sa kamay niya at rinig na rinig ko ang monitor ng oxygen, katabi lang ng kama niya.

"Ilang araw na siyang mahina kaya hindi na muna siya pumupuntang Mount Star Anna, ngayon lang ipinaalam ng Dad niyo sa inyo ni Alisson dahil ayaw niyang mag-alala kayo ng husto kay Consuelo"

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon