26 ( AAKB )

24 5 0
                                    

BABALA : Basahin niyo ang aking kwento nang hindi napipilitan -- Ang mga pangyayari, lugar, mga tauhan ay nasa kathang isip lamang ng Author at hindi nangyari sa totoong buhay. Wala akong pakialam kung laitin niyo man gawa ko -- nagsusulat lamang ako para magbigay inspirasyon at magpasaya sa ibang tao. Inuunahan ko lang kayo sa mga grammatical errors -- typo's -- misspelling na mababasa niyo sa kwento ko.

Follow niyo ko kapag gusto niyo lang naman -- FB account : Arcela Panganiban Erum -- INSTAGRAM : ARIELLAERUM

Enjoy Reading Bibies ❤❤



ANNA ( pov )

"Dalawang lap pa guys then pahinga na tayo!"

Inis na inis talaga ako dahil pinalista ni Valerie ang pangalan ko sa mga tatakbo sa Fun Run Charity sa susunod na linggo. Wala pa nga akong maisip na club na sasalihan ko, tapos kasali pa ako rito.

Kasali rin si Winner at France sa takbuhan. Kaya lagi kaming magkakasama sa umaga. Kailangan kasing araw-araw tumakbo para kapag charity na hindi na mabibigla ang katawan namin sabi ni Miss Cudal, ang adviser talaga ng Physical Education.

"Kailan papasok si Alcantara?" narinig kong sigaw ni Winner sa katabi niyang si France. Tumatakbo kami ngayon habang nag-uusap sila. Nasa likod naman ako at nakikinig din.

"Next week na siguro. Kailangan niyang magpahinga para hindi na humina resistensiya niya," seryoso si France ngayon. Ewan ko ba, parang nagbago rin ang pakikitungo niya sa'kin.

"Sabagay huwebes naman na ngayon. Tapos kapatid na ng biyernes ang sabado kaya tatamarin na 'yun pumasok."

Nasa unang linya ulit kami. Isa na lang matatapos na ang paghihirap namin. Sumasakit na rin ang likod ko. Dahil no'ng isang araw tinulak-tulak na naman ako nung lalaking sungki-sungki ang ngipin sa pader.

Kahapon naman, pinaliguan na naman ako ng malamig na tubig ni Evianna at no'ng uwian pinagtripan ako nila Valerie at ng grupo niya. Hinanap ko pa kung nasaan ang bag ko, nilagay lang pala sa basurahan. Kaya ngiwing ngiwi akong dinala ang bag ko at nilabhan kinagabihan.

Mga pesteng 'yun! Walang magawa.

"Anna sabay ka na sa'min paakyat baka pagtripan ka ulit e."

Walang emosyong tiningnan ko si Winner. Nagpupunas ako nang pawis sa noo at mga braso. Hindi na ako sumagot dahil alam na niya 'yun.

"Pinagtritripan ka? Bakit? Kailan? Hindi ko alam 'yun ah" si France na nagising na yata at bumalik ang ugaling maingay.

"Oo Delgado. Kailangan ulit-ulitin pa? Nabingi ka na ba?" Inakbayan ako ni Winner, winaksi ko naman dahil ang lagkit ng balat niya.

"Halaaaaa! Sandali!" Hinugot niya ang cellphone sa bulsa. Nagpipindot siya do'n.

"Ano 'yan? Sinong ka-text mo?" Sumilip pa si Winner sa ginagawa ni France.

Tsismoso talaga.

"Tatawagan ko si Alcantara. Sasabihin kong laging pinagtritripan ... hoy! Anna kapag nahulog 'yan bayaran mo!"

Tinabig ko kasi pataas ang cellphone niya. Swerte ko dahil nasalo ko nang maayos.

Smooth Anna Garcia, nayswan.

"Huwag mong tawagan. Aksaya lang sa load 'yan." Nauna na akong maglakad papuntang building. Nasa akin pa rin ang cellphone ni France. Ibinulsa ko agad, mahirap na baka maagaw pa sa'kin.

"Akina nga 'yan Anna! Sasabihin ko lang namang pinagtripan ka na naman nang mga walang magawa!"

Matunog akong ngumisi. Hindi ko makita kung anong rason niya kung bakit pa niya sasabihin sa lalaki ang nangyayari sa'kin.

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon