57 ( AAKB )

17 2 0
                                    

ANNA ( pov )

Nasa baba lang ang tingin ko nang marinig kung sinong mga panauhing bumisita sa'kin. Tinatamad akong tingnan sila. Baka masaktan na naman ako kapag nakita ko kung gaano nila ulit ako huhusgahan.

"Good evening students. P'wede ko bang makausap si Anna? Na kaming pamilya lang niya?"

Tsk!

Maya-maya pa'y tumahimik na ang buong kwarto. Kaya inangat ko na ang paningin. Nakatayo ang Pangulo sa harap nang kama. Nasa gilid niya si Mamita at ang sekretarya niya. Pati si Alisson ay nando'n, tahimik na lumapit sa'kin.

"Kamusta ang pakiramdam mo Anna?" wala sa tono ni Mamita na nag-aalala siya. Casual lang ang tanungan niya na para bang kausap ang isang estudyante sa paaralan niya.

"Ayos na ho," kahit gusto ko silang taasan nang kilay ay hindi ko ginawa.

"Hindi ko na pinagpabukas ang kastiguhin si Mr. Quintin. Hindi na siya makakapasok sa paaralan simula bukas," pahayag ni Mamita. Hindi na din ako nagulat, pero alam kong kakalat 'yun kinabukasan dahil sa mga tsismosang malalakas ang kapit sa bagong balita.

"Salamat." Iniwas ko ang tingin dahil kahit na ayoko mang sabihin ang isang salitang 'yun, kawalang respeto kapag wala akong komento.

"Anong pakiramdam na naakit mo ang isang guro Anna?" nagpanting na naman ang tenga ko dahil sa sinabi ng Presidente.

Tsk! Husga pa more! Lait pa more! Doon ka naman masaya!

"Anton," suway ni Mamita kay Dad. Alam kong hindi naman nakikinig si Dad sa ina niya. Kaya anong silbi nang pagpapatigil sa anak niya?

"Nagtatanong lang ako Mamita. Malay niyo inakit talaga niya si Mr. Quintin kaya niya nagawa ang gano'n sa bata," nasa tono ni Dad ang pandidiri sa'kin. Ang panghuhusga. Hindi man lang niya ako tinanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari?

Exxel.

"Pumunta ba kayo dito para sabihin 'yan? Kung oo," pinatigas ko ang bakas nang mukha at tinitigan siya, "Hindi ko kailangan ang presenya niyo dito," nakabilog na ang mga kamao ko. Ayokong magalit. Ayokong nasasaktan, dahil kapag hindi ko mapipigilan ang sarili ko ngayon malalaman nila ang tinatago kong pagkatao.

"Ikaw na nga ang binisita. Ikaw pa walang modo ..."

"Dahil wala kayong sinasabi sa'kin kundi panghuhusga at lait na hindi niyo muna ako tinanung kung ano talagang totoong nangyari!" tuloy-tuloy na sabi ko. Hinabol ko pa ang hininga dahil sa puot na nararamdaman ko.

"Kailangan pa bang tanungin 'yun kung kilala ko kung paano ka gumalaw at kumilos? Anak kita kaya alam ko ang likaw nang ikot nang bituka mo Anna," seryosong sabi niya. Nawala ang ngising kanina lang ay nakapaskil sa mga labi niya.

"Dad huwag mo nang pasamain ang loob ni Anna. Kailangan niyang magpahinga," singit ni Alisson. Hindi ko din kailangan ang pagtanggol-tanggol niya sa'kin ngayon.

"Isa ka pa Ali! Ni hindi mo man lang mabantayan 'yang kapatid mo? Ano bang ginagawa mo at hindi mo 'to kasama?" Tinuro niya ako. Medyo kumirot ang dibdib ko dahil kung umasta siya parang hindi niya ako anak.

"Pinayagan kita na magkasama kayo sa isang eskwelahan para mabantayan mo bawat galaw at desisyon niyang kakambal mo, pero ano 'to? Anong kahihiyan na naman ang ginawa niyan sa pamilya natin?!"

Sumikip bigla ang dibdib ko at ang hirap huminga. Nakakunot ang noong nakatingin lang ako sa dulo nang kama. Malalim na nag-isip sa mga sinabi ni Dad.

Kaya pala. Kaya pala lumipat si Alisson nang eskwelahan dahil kailangan niya akong bantayan. Para kapag may mali na naman akong gagawin isusumbong niya sa mahal niyang Pangulo.

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon