84 ( AAKB )

24 3 4
                                    

EXXEL ( pov )

"So anong mayro'n?" Inginuso pa ni Sir Million ang mga nakahanda sa mesa. Hindi ko talaga inalis sa kaniya ang paningin simula ng dumating siya.

"Birthday ko Sir," sagot ni Alisson. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ng binata.

Panira ng araw! Tsk!

"Happy Birthday Ali! So okay lang bang maki-table? Ang lungkot kapag mag-isa e," ngiting ngiti siya kay Alisson habang ang huli ay walang ganang tumango sa guro.

Sa'kin hindi p'wede! Birthday din ng baby ko!

Nakasimagot akong inayos ang pinggan namin ni Anna. Lalagyan ko na sana ng pagkain ang plato ng dalaga nang mabitin sa ere ang kamay ko.

Kita ko kung paano magiliw na pinagsilbihan ni Sir Million si Anna. Wala mang reaksyon ang dalaga sa inakto ng guro, pero nainis pa din ako at padarag na nilapag ang hawak na kubyertos.

"May gusto ka pa bro?" Siniko ako ni France at sumenyas na kumalma. Hindi ko alam kung magagawa ko 'yun ngayon umiinit ang ulo ko sa hindi inaasahang bisita.

"Okay na ba 'yan Anna?" Napaismid ako sa mahinang turan ng guro sa dalaga. Hindi ko na sila nilingon at inasikaso na lang ang sariling kumuha ng pagkain.

Masasarap ang mga pinili nilang bilhin. Simula sa isang bandehadong palabok, hanggang sa dalawang cake nila ni Alisson. Kanina naglalaway pa akong tingnan ang mga 'yun, ngayon hindi ko alam kung malulunok ko pa ba kung mapait na ang panlasa ko.

"Anong sinalihan niyong club?" basag na naman ni Sir Million sa katahimikan. Simula kasi ng dumating siya, wala nang naglakas ng loob na makipagbiruan sa isa't isa. Nakakailang dahil hindi naman namin siya kalebel. Guro siya at estudyante niya kami, na may ayaw sa kaniya.

Tsk! Feeling close!

"Music club ho kaming lahat Sir maliban kay Anna," sagot ng magalang na si Vin. 'Yun ang kinahahangaan ko sa kaibigan, ang marunong makisama sa iba.

"Oh! Anong club mo Anna?" nakakunot ang noo niyang binaling ang paningin sa dalaga. Nang lingunin ko si Anna, abala siyang sinusuri ang mga pagkain sa pinggan niya. Nakita ko kung paano siya napapalunok dahil sa dami ng gulay na nilagay ni Sir Million sa plato niya.

"Akina." Kinuha ko ang pinggan niya at nilagay sa plato ko ang mga gulay na kinaaayawan niya. Kaya hindi laging masigla dahil walang sustansiya sa katawan.

"Mabuti ang gulay sa katawan Anna, kahit hindi mo hilig kumain no'n dapat pilitin mo ang sarili para sa ikabubuti mo rin 'yun."

Marahas na nilingon ni Anna si Sir at bahagya pa itong napaatras dahil sa ginawa ng dalaga. Nakakatakot naman kasing makatingin si Anna, parang mananakmal na lang bigla.

"Hinihingi ko ba ang opiniyon mo?" malamig na saad niya. Kita ko kung paano lumawak ang ngiti ng guro kalaunan. Hindi ko alam kung nagpapasikat lang ba siya sa dalaga o baliw lang talaga siya.

"Alam mo bang nakaka-inlove ang mga ganiyang babae? Palaban at walang kinatatakutan?" Binalingan na ng guro ang pagkain niya at pormal na kumain. Gaya sa mga pelikulang mayayamang anak ng mga negosyante, na kailangan pa ng table napkin para pamunas ng kalat sa gilid ng labi.

Tsk! Hindi siya gwapo kaya huwag siyang aangas-angas dito!

"Hindi."

Nagtatakang lumingon sa kaniya ang guro. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa kaya kita ko kung paano pinakita ni Anna na wala siyang pakialam sa sinabi ni Sir Million.

Nagulat na lang ako ng malakas na tumawa si Sir. Bahagya pang nakanganga ang bibig ko dahil sa inakto niya.

Inang 'yan! Lord, gabayan niyo po ang taong 'to!

ANG ASTIG KONG BIDA ( SEASON 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon