Sue Alberona.
Siya ang dalagang hindi naniniwala sa salamangka o tadhana. Para sa kanya, ang mga tao ang gumagawa ng sarili nilang kapalaran. Ang mga desisyon nila ang nagpapaikot at nagpapatakbo ng kanilang kahihinatnan. Ang lahat ng nangyayari sa bawat tao'y hindi gawa ng tadhana kung hindi gawa ng sariling desisyon.
Ang mundo ay palaging nagtatago ng espesyal na lugar na aakalain mong hindi makakatotohanan. Isang lugar na napakaganda't kamangha-mangha. At sa oras na madiskubre ito ng ilan, sisiguraduhin nilang makukuha o masisilayan nila ito. Kung kaya't pilit itong itinatago sa karamihan dahil kung mas mahirap itong mapuntahan, mas lalo itong magiging espesyal. Ngunit, darating ang araw na mayroong nakatakda para madiskubre ito.
Isinandal niya ang kanyang ulo habang nakatanaw na madilim na kalangitan. Hindi nagtagal unti-unting umandar ang eroplanong kanyang sinasakyan at handa na sa paglipad. Pinagmasdan niya ang mga makikinang na liwanag sa madilim na gabi.
"Siguradong magiging masaya ang pagpunta ko sa Amerika," Nakangiting sambit niya sa sarili. "Ano kaya ang magiging resulta ng pagliliwaliw ko roon?"
Mula sa madilim na himpapawid, nasilayan niya ang nagkikinangang mga liwanag mula sa kapatagan. Mayamaya'y nakita na niya ang kabuuang bahagi ng kapatagan. Kung titingnan, para bang napakapayapa at napakatahimik ng mundo. Walang gulo, walang problema, at puro kapayapaan. Subalit, ang mundo ay tulad ng mga liwanag na nakikita niya sa ibaba.
Ang mundo ay nababalot ng kadiliman.
Sa madidilim na parte nagtatago ang ilang mga sikretong hindi nabubunyag. Dahil una sa lahat, hindi mangingibabaw ang kagandahan ng liwanag kung walang kadiliman. Tulad ng kabutihan sa gitna ng kasamaan.
"This will be a long journey. Siguradong ilang oras na maluluto ang p'wet ko sa pwesto kong 'to."
Kaagad niyang kinalkal ang loob ng kanyang bag. Inilabas niya ang kanyang cellphone para magbasa ng kwentong nadownload niya online. Nakasanayan na niyang magbasa sa tuwing nagkakaroon siya ng libreng oras. Mabilis siyang naghanap ng babasahin, ilang minuto pa lang ang lumilipas ay kumunot na ang kanyang noo. Bumuntong hininga siya at piniling pindutin ang exit button.
"Hindi ko alam kung bakit hindi magawang tingnan ng mga mata ko ang kwentong mayroong numbers sa bawat words. Gusto kong maiyak sa tuwing sinusulat ang tunog ng sound effects kaysa sa isalaysay ang nangyayari." napahawak siya sa kanyang sentido. "Ganda pa naman ng cover."
Kaagad niyang tinanggal sa kanyang library ang kwentong kanyang binuksan. Nakailang scroll up and down na siya bago muling pumindot ng kwento. "Oh, okay ito nalang muna. Maayos-ayos ang prologue."
Sadyang nakakamangha ang mundo dahil may mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga lugar at pangyayaring kakaiba, napakasaya, napakadelikado. At kung titingnan mo ito ay siguradong nanaisin mong manatili. Kaya ang mundo ay itinago pa ang ilan pang bahagi nito. Mga bahaging hindi mo aakalaing sakop pa ng mundo upang masiguradong walang makakatapak sa lugar na iyon. Subalit, sa dinami-rami ng tao sa mundo ay mayroong isang nilalang na nakatadhanang tumuklas sa mga bagay na hindi pangkaraniwan.
BINABASA MO ANG
Prince of Darkness ✔️
FantasyFrederico always wonders what it feels like to be normal. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga taong may maigsing buhay ay nagagawang maging masaya kung ikukumpara sa kanya. At sa araw na makibagay siya sa lugar ng mga ordinaryong sibilyan, di...