[6] Visions

11.5K 249 14
                                    

"Bakit ka narito? Hindi ba dapat ay nasa amin ka?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ka narito? Hindi ba dapat ay nasa amin ka?"

Hindi makapagsalita si Sue nang makita siya ni Rica. Ang plano niya lang ay ang alamin kung ano ang pinagkaka-abalahan nito at wala sa plano niya ang mahuli. Matalim ang tingin nito sa kanya bago pa man lumapit.

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang daan patungo rito?"

"Hindi ko alam na may bago kang kaibigan dito, Sue. Mabuti iyan." Saka lumapit ang ama nito sa kanya.

Ginantihan niya lang ito ng ngiti at napakamot sa batok.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko, Sue? Bakit hindi ka na lang naghintay sa bayan at sumunod ka pa rito?"

"Gusto ko lang malaman kung saan ka nagpunta. Ikaw lang naman ang kakilala ko rito at ang ama mo. Anong gagawin ko sa bayan niyo kung wala kayo roon?" nakasimangot niyang sagot. "At saka ligtas naman ako nakarating dito dahil sa kanya." Saka niya itinuro si Nessie sa gilid.

"At ngayon, nadawit ka na naman sa gulo." Umiling-iling ito sa kanya. Dali-dali itong lumapit sa kanya't hinawakan siya sa braso. Halos mapangiwi siya sa higpit nang pagkakahawak nito at inilayo siya sa taong bayan. Marahas siya nitong binitawan at hindi niya ito maiwasang tapunan ng masamang tingin.

"Hindi ka ba nag-iisip, Sue? Papaano kung may nangyari sa 'yo sa daan? Kating-kati ka na ba talagang umuwi sa inyo't hindi ka pumirmi sa bayan?"

Napanganga siya sa narinig at umayos ng tayo. "Eh, 'di lumabas din ang totoo. Naiinis ka dahil hindi ako sang-ayon sa gusto niyong gawin ko rito sa mundong 'to. Kaya ba mainit ang dugo mo sa akin simula kahapon?"

"H'wag mong ibaling sa iba ang usapan, Sue." Mariin nitong sambit. "May tungkulin din akong kailangang gawin. Hindi ako maaring maglakbay at pabayaan na lang ang ama at mga taong bayan. Papaano na lang ang kaligtasan nila kung wala rin namang tutulong sa kanila?" makahulugang sambit nito.

Marahas nitong sinuklay ang buhok nito at bahagyang tumalikod sa kanya. "Sarili mo lang ba talaga ang iniisip mo?"

Kumuyom ang kamao niya sa narinig. Tila ba may tinik na tumusok sa kanyang dibdib. Simula nang dumating siya sa Calderock Kingdom, wala siyang bukang bibig kung hindi ang makabalik sa kanila. Sinulyapan niya ng tingin ang ama nito sa hindi kalayuan, ang nakasalampak na si Nessie at ang galit na mukha ng dalaga sa kanyang harapan. Ang mga taong nakapaligid sa kanya ang naging dahilan kung bakit nananatili siyang ligtas. Ano nga ba ang naitulong niya pabalik sa mga ito?

Nanatiling tikom ang kanyang bibig. Ano pa nga ba ang idadahilan niya kung kating-kati naman talaga siyang makaalis sa lugar na iyon. Malalim ang kanyang pagbuntong hinga bago pa man humugot muli ng lakas ng loob magsalita.

"Totoo ang mga sinabi mo, Rica. Hindi ko itatanggi ang mga 'yon. Hindi ko gustong maging pabigat sa inyo."

"Walang nagsasabing pabigat ka, Sue." Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Pilit kong iniintindi ang sitwasyon mo. Nainis lang ako sa padalos-dalos mong pagdedesisyon. Papaano kung napahamak ka nang hindi namin alam?"

Prince of Darkness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon