Frederico always wonders what it feels like to be normal. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga taong may maigsing buhay ay nagagawang maging masaya kung ikukumpara sa kanya. At sa araw na makibagay siya sa lugar ng mga ordinaryong sibilyan, di...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ABALANG-ABALA si Sue sa pagpindot sa kanyang cellphone. Dahan-dahan niyang binabasa ang mga komento sa kanyang profile habang prenteng-prente sa pagkakaupo. Ilang taon na rin ang nakakalipas nang matapos niya ang nobelang nais isulat online. Hindi pa man ito umaabot ng isang taon online, nakatanggap na siya kaagad ng offer mula sa isang malaking publishing. Sa wakas, napabilang siya sa kompanyang nais niyang pagtrabahuhan.
Sunod-sunod ang notification na natatanggap niya kada minuto. Karamihan sa mga iyon ay mga nag-aabang sa pagdating niya sa convention kung saan gaganapin ang book fair.
Napukaw ng kanyang atensyon ang isang notification na lumitaw sa kanyang harapan. Natigilan siya sa pagpindot sa screen habang pinagmamasdan iyon.
MrYoso commented on Epilogue: "Hindi ko gusto kung papaano nagwakas ang istorya. Hindi pa 'to ending kung hindi happy."
Bahagya siyang natawa nang mabasa iyon.
"Happy ending? There's no happy endings; it's about all the moments in between.."
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng ilang mga komento sa kanyang profile. Hindi niya maiwasang mapangiti habang binabasa ang iba't-ibang reaksyon ng mga tao sa kanyang akda.
Sereinty_ commented on Epilogue: "Hindi ko aakalain na ganitoo yung ending. Huhuhu! Thank youu authorrr~"
Aceofspade_8 commented on Epilogue: "I really like the story although it's not so happy ending (peace) Ms. Writer around of applause and two thumbs up for you. Good job!"
MrYoso commented on Epilogue: Baguhin mo ang istorya. Hindi ko gusto.
Kumunot ang noo niya nang mabasa ang kakaibang komentong iyon. Dala ng kyuryosidad, Pinindot niya ang profile nito at nakita ang blankong account. Tanging itim na ibon lang ang display profile nito at walang kahit na anong detalyeng makikita. Nag-iisa lang ang profile sa following list nito at iyon ay ang kanyang username.
"Hindi ko rin naman gusto kung papaano nagtapos ang lahat." Napabuntong hininga na lang siya at pinagmasdan ang singsing na suot.
Gumuhit ang kanyang ngiti habang nakapako ang tingin dito. Kahit na siya'y nakabalik sa orihinal na mundo, hindi nawala sa kanyang daliri ang singsing. Marahil dahil wala na itong salamangka, nagawa niya itong madala pabalik. At kahit na mayroong lamat ang bughaw nitong dyamante, hindi niya ito pinapalitan o ipinaayos.
Iyon ang magsisilbing paalala sa kanya na hindi lang isang mahabang panaginip ang lahat.
Mula sa salamin ng coffee shop, tinanaw niya ang maaliwalas na kalangitan at ang mabagal na paggalaw ng ulap. Limang taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. Matapos niyang macoma, minabuti niyang magtagal muna sa Amerika dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ama at para siya'y makatulong sa negosyo nito.
At sa lugar na iyon, doon niya sinimulang isalaysay sa kanyang nobela ang kanyang pinagdaanan. Ang bawat araw, ang bawat paglalakbay, ang mga nakasalamuha't naramdaman niya'y inilahad niya sa kanyang istorya. Subalit kahit siya'y hindi niya alam kung ano ba ang nararapat na wakas sa kanyang akda.