"ITO ang puno't dulo ng lahat, Frederico. Kung hindi ko gagawin 'to, hindi magwawakas ang lahat. Lalo kang mahihirapang umusad." Malumanay na saad ni Sue.
"Kung hindi mo nais na masaktan ako, hindi mo 'to gagawin, Sue." Angil ng binata.
Ito lang ang tanging solusyon na nakikita niya upang mailigtas ang binata mula sa labis na paggamit ng salamangka at ang mga taong maaring madamay sa galit nito. Sinubukan nitong lumapit sa kanya ngunit mabilis niyang iniwasan ang paghablot nito sa alahas. Marahas niyang tinapik ang braso nito dahilan para mapaatras ito sa kinatatayuan.
Ikinabiglang dalawa ang nangyari. Nagkaroon ng malaking distansya sa kanilang dalawa matapos itulak ng malakas na enerhiya ang katawan ng binata. Dahan-dahan niyang sinulyapan ang kwintas na hawak at unti-unting nawala ang liwanag dito.
"Kung ganoon, magagawa ko rin gamitin ang salamangka nito nang hindi ako napapahamak" Saka niya rin nilingon ang kanang kamay kung saan nakasuot sa kanya ang bughaw na singsing. Tulad nito, unti-unti ring naglaho ang liwanag nito at nagbalik sa normal na kulay. "Oo nga pala, nasa akin ang singsing na nagbibigay ng proktesyon. Kokontrahin nito ang labis na salamangka mula sa kwintas."
"Ibalik mo sa akin 'yan!" Asik ng binata.
"Hindi mo kailangan nito. Hindi ang labis na kapangyarihan ang magbibigay sa 'yo ng kasiyahan. Hindi mo ba nakikita, Frederico? Ito ang dahilan kung bakit na hindi makausad, kung bakit ka nasasaktan!"
Hinawi nito ang kamay sa hangin kasabay ng paglitaw ng itim na espada sa harapan nito. Mabilis nitong hinawakan ang armas at hindi na nagdalawang isip na umatake sa kanya. Nagmadali siyang isuot ang alahas kasabay ng kanyang pagtagilid dahilan upang maiwasan ang talim ng sandata nito.
Lumikha ng malalim na bitak ang sandata nito nang humampas ito sa lupa. Naramdamaman niya ang kakaibang sensasyon sa kanyang katawan at mabilis itong dumadaloy sa bawat sulok ng kanyang sistema. Tinapik niya ang balikat nito at muli itong tumulak papalayo sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa lakas ng kanyang tinataglay. Gamit ang simpleng mga atake, lumilikha ito ng malakas na pwersa at sapat na iyon upang mapigilan ang binata. Itinago niya ang suot na kwintas sa loob ng kanyang kwelyo. Mas magiging madali ang kanyang paglikos kung hindi ito nagiging sagabal sa kanya.
Naglaho ang binata sa kinatatayuan nito dahilan para siya'y kabahan. Hindi niya lubos akalaing susulpot ito sa kanyang harapan kasabay ng paghawi ng espada paitaas. Mabilis siyang tumingala, kitang-kita niya kung papaano dumaan ang talim ng armas nito sa kanyang harapan at pagkaputol ng ilang hibla ng kanyang buhok.
Mabilis siyang lumiyad at lumundag pabaliktad upang makaiwas. Ipinagpapasamat niyang mabilis ang pagresponde ng kanyang katawan lalo na't nagagamit niya ang kaalaman niya sa self defense. Ito lang ang naiisip niyang atake't depensa upang hindi mapuruhan ang binata.
"Kung ganoon, Sue, sabihin mo sa akin kung saan ako dapat magtungo? Sa tamang daan kung saan ako ang ituturong mali o sa maling daan kung saan kaya kong maging tama?" humigpit ang pagkakahawak nito sa espada. "Iyan na lang ang laban ko sa marahas na tadhana. Gamit ang salamangka ng bagay na 'yan, magagawa kong kontrolin ang kapalaran ko."
BINABASA MO ANG
Prince of Darkness ✔️
FantasiaFrederico always wonders what it feels like to be normal. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga taong may maigsing buhay ay nagagawang maging masaya kung ikukumpara sa kanya. At sa araw na makibagay siya sa lugar ng mga ordinaryong sibilyan, di...