[7] Silver hair man

10.9K 217 6
                                    

"Buksan mo ang mga mata mo sa katotohanan at h'wag magpasakop sa galit na nararamdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Buksan mo ang mga mata mo sa katotohanan at h'wag magpasakop sa galit na nararamdaman. Iligtas mo sila sa walang hanggang kaidiliman at maging proteksyon nila. Gabayan mo sila at maging liwanag sa marahas na mundong 'to. Pagkatapos ng lahat, kusang babalik ang lahat sa orihinal na ayos."

Malalim ang pagbuntong hininga ni Sue habang inaalala ang mga katagang iyon. Kasalukuyang silang nasa bayan ni Rica at naghahanda sa paglalakbay patungo sa Cephiro—ang pinakamalaking lugar kung saan mawalak ang kaalaman sa salamangka.

"Ang haba ng buntong hininga mo, Sue. Anong mayroon?" bahagyang inilapit ni Nessie ang kabayo. Hawak-hawak naman niya ang tali ng kabayong gagamitin nila ni Rica sa paglalakbay.

"Wala naman. Masama lang ang gising ko." Saka niya ito nginitian. "Sigurado ka bang sasama ka sa amin? Ang sabi mo'y maghahanap ka ng trabaho sa timog?"

"Bukod sa magpalipat-lipat ng bayan at maghanap ng trabaho, wala na akong ibang pinagkaka-abalahan. Isa pa, utang na loob ko sa inyo ang buhay ko." Ngumiti ito sa kanya. "Papaano na lang kung dinala talaga ako ng mga guwardya sa piitan sa ganoong kondisyon? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin."

"Narinig kong papunta kayo sa Cephiro. Anong pakay niyo sa lugar na 'yon?"

"Kailangan kong kumuha ng impormasyon kung papaano ako makakabalik sa lugar ko."

"Sa lugar mo? Bakit sa Cephiro ka magtutungo?"

"Dahil hindi siya taga-rito." Pareho silang lumingon nang dumating si Rica at may dala-dalang bayong. Itinali nito ang ilan sa likuran ng kabayo. "Sa Cephiro lang tayo makakakuha ng impormasyon at salamangka kung papaano siya makakatawid sa mundo nila."

Napasinghap si Nessie sa kanyang tabi. "Ibig sabihin ikaw ang dalagang sinasabi sa propesiya?"

Napilitan siyang ngumiti nang marinig iyon. Maaring tumaas din ang ekspektasyon nito sa kanya dahil sa sinasabi nitong propesiya. Sa kabilang banda, hindi niya maiwasang mapaisip. Marahil ang nakita niya sa kanyang panaginip ay may koneksyon sa sinasabi nito.

"Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan." Pag-iwas niya sa usapan. "Baka mapunta lang sa kung saan ang usapan."

"Ikaw ba, Nessie. Anong dahilan mo sa pagpapalipat-lipat ng bayan. Kung trabaho lang naman ang hanap mo, hindi ba't maari ka namang mamalagi sa isang bayan lang?"

Pansin niyang umiwas ito ng tingin sa kanya at inayos ang tali ng kabayo. Inaninag naman niya si Rica na mukhang kanina pa nakikinig sa kanila. Matapos ayusin ang mga kagamitan at pagkaing dadalhin, lumiban ito upang kausapin ang ilang mga guwardya.

"Gusto kong maglibot sa iba't-ibang lugar. Masyadong malaki ang mundo para magkulong lang sa iisang bayan. Isa pa, mas maganda kung may kasamang maglalakbay. Magiging mabilis ang araw dahil may kausap sa maghapon."

"Ayos lang kung hindi mo 'to sasagutin pero... wala ka bang pamilya?"

Umiling-iling ito sa kanya. "Mag-isa ko na nilalabanan ang hamon ng buhay. Kailangan kong hanapin ang lugar kung saan ako nababagay. Iyon ang pangako sa mga magulang ko."

Prince of Darkness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon