[19] Painful truth

6.3K 121 2
                                    

"IKINAGAGALAK ko ang pagdating mo sa palasyong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"IKINAGAGALAK ko ang pagdating mo sa palasyong ito."

Otomatikong iminulat ni Sue ang kanyang mga mata nang marinig ang pamilyar na tinig. Tumambad sa kanyang harapang ang malaking imahe sa kanyang harapan. Mula sa ilang mga lampara sa bawat pasilyo'y nagkaroon ng kalinawagan sa buong lugar. Malinaw na malinaw niyang nakikita ang luma at halos buradong litrato na nakasukbit sa pader.

Sa pagkakaalam niya'y kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kanyang silid lalo na't may kalaliman na ang gabi. Sinulyapan niya ang kanyang mga braso at napansing may kalabuan ang kanyang pigura. Nagpalinga-linga siya sa paligid sa pagbabakasakaling makita ang tinig na kumakausap sa kanya.

Nasa isang panaginip na naman ako? Ibig sabihin, dahil na naman ito sa espiritong iyon?

Isang liwanag ang sumulpot sa kanyang harapan at nagmula iyon sa litrato. Isang santelmo ang umikot-ikot iyon sa kanyang harapan na para bang alitaptap na naglalaro sa hangin. Sinundan niya ito ng tingin at tumigil ito sa kanyang gilid. Bahagya siyang napaatras nang magsimula itong humulma na para bang isang tao.

"Hindi ko akalain na isang reyna ang magdadala sa akin sa mundong 'to. Ito rin ba ang palasyong ipinapakita mo sa panaginip ko?" unang tanong niya nang mag-anyong tao ito sa kanyang harapan.

Ang mahaba nitong buhok ay sumasayad sa lupa. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at nangingibabaw ang bughaw nitong mga mata.

"Mukhang nagiging interesado ka na rin sa mga nakikita mo." Saka ito ngumiti.

Pakiramdam niya'y narinig na niya ang salitang iyon ngunit hindi niya ito maalala kung saan o kanino.

Bumaling ito ng tingin sa litrato na nakasukbit sa pader. "Dalawangpung taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat. Ngayong narito na kayo, mas mainam nang tapusin ang lahat sa lugar kung saan ito nag-umpisa."

"Kayo? Pasensya na kung magaspang ang pananalita ko sa inyo pero...nalilito talaga ako. Sinong kayo ang sinasabi mo?" napakamot siya sa kanyang batok. "Sa tuwing magkikita tayo, hindi mo ako sinasagot ng diretso. Napakarami kong dapat itanong sa 'yo lalong-lalo na sa ginawa niyong amulet at singsing."

Bumuntong hininga ito at humarap sa kanya. "Isang pagkakamali ng Vastia ang ipunin ang labis na kapangyarihan. Isang malaking responsibilidad ang pag-iingat at pagtatago rito bagay na hindi rin namin nagawa. Ang naipong salamangka ang mismong kumikitil sa nagtatangkang gumamit nito."

"Narinig ko nga ang kwento tungkol d'yan. Sa ngayon, hawak-hawak ito ni Frederico. Pinipilit nitong gamitin ang salamangka nito kahit na kinukonsume rin ng kwintas ang lakas nito." Napansin niyang lumungkot ang ekspresyon sa mukha nito.

"Iligtas mo siya, Sue."

Otomatikong umarko ang kanyang kilay sa narinig sa pag-aakalang mali siya ng pagkakarinig.

"Iligas si Frederico? Teka, alam mo naman siguro kung anong klaseng nilalang 'yon? Nanakit siya ng mga inosenteng tao, walang konsensyang sinakop ang ilang mga bayan para mapasa-ilalim sa kapangyarihan nila. Pinatay niya ang ama ng kaibigan ko at kahit na bata'y hind niya pinalagpas. Bukod pa roon, nilinlang niya ako! Pinaglaruan niya ang nararamdaman ko at ngayon, nakakulong ako sa abandonadong palasyong 'to." Asik niya.

Prince of Darkness ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon