Meet Eva's boyfriend

32 4 2
                                    

Chapter 14: Meet Eva's Boyfriend

Shara's POV 

*Krriiiiinnnnggg* Lunch time na pala hindi ko man lang namalayan

"Besha tara na?" Ano na naman bang trip nitong si bessy at tinawag akong Besha

"Anong Besha?" Tanong ko

"Besha as in BEssy SHAra"

"Anong trip naman yon?Binago mo pa pangalan ko" Ang daming trip ng babaeng 'to perkit nasa good mood lang

"Hindi ko binago pangalan mo noh, eh ang haba kasing sabihin ang Bessy Shara kaya pina ikli ko nalang"  Tss Ano bang magagawa ko sa aming dalawa siya lagi ang nasusunod  "Nga pala ba't di mo kasama si Thristan?"

Speaking of siya na naman, Dalawang araw na siyang di nag papakita at di pumapasok ano ba kasing nangyari dun? tuwing tatanungin ko sina kristoff at Martin ang sinasabi lang nila 'Give him some time magpapakita din yun' means alam nila kung saan napunta yung taong yun

Wait! ano bang pake ko dun pasalamat nga ako at wala sya tahimik mga araw ko, yaan nalamang ang sinasabi ko tuwing naaalala ko siya

"HUY!" Ouch.. 'Yan na naman ang nakakabinging boses nya! kelangan bang araw araw sumakit ang aking mga tenga

"ANO?! at kung maka sigaw ka wagas!" Galit kong sabi

"Soreh naman.. so nasan ba kasi yung BOYFRIEND mo?" Masyadong madiin ang pagkasi niya sa salitang boyfriend

"Aba malay ko don" hindi ko naman talaga alam kung nasaan siya ni isang tawag o text man lang ay wala akong nare recieve mula sa kanya

"Eh? wala ka man lang bang pakielam sa kanya?" Obvious ba bessy na may pake ako sa kanya?!

"Malamang meron, malamang boyfriend ko siya" Maraming nakapaligid sa aming mga studyante at kailangan marinig nila na may pakielam ako kay Thristan 

"Ahhh ok"

"Hey babe!" Singit ng isang lalaking umakbay kay bessy

"Hey" Bessy

"Sooo.." Sinabi niya yan habang tinitignan ang katawan ko mula paa hanggang katawan ko na parang hinuhubaran na ako sa isip nya -_- , mukahang hindi matino itong lalaking toh! "You're supposed to be my girlfriend's Bestfriend huh" 

"Yeah" tipid kong sagot.. di na ako nabigla na sya ang BF ni bessy kasi kung maka akbay akala mo asawa na.

*Katahimikan* 

"So Tara?" Bessy na nakatingin sa pinaroroonan ko

"Saan?" Tanong ko

"Sa canteen.. di ka pa ba nagugutom?" Ang totoo kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko dahil sa gutom

"Yeah so para makilala natin ang isat isa" Sabat ng BF ni Bessy, di ko gusto 'tong lalaking toh kahit gwapo pa sya hindi ko siya gusto para kay bessy, mukha syang playboy na may pagka badboy

"K." Sige since wala rin naman akong kasama mag lunch pumayag na ako

*Canteen*

Ano ba 'tong lalaking to kung makatingin sakin parang may something! kaharap ko sya habang mag katabi sila ni bessy

kanina pa siya tingin nang tingin sakin actually 'di na sya tingin titig na ata hayss napag hahalata itong lalaking 'to. Ayokong maging assuming pero mukhang pinag nanasaan niya ako

"Ms.Elethea!" Wait i know that voice

"Kristoff! Anong problema?"

"Wala naman nakita ko lang naman ikaw dito with these two..." Sabay tingin sa dalawang magkasintahan na ang sweet.  Nang malingat ako napansin ko na matalim ang tingin niya kay bessy, Parang may something

Secret Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon