The moves

96 18 10
                                        


Thristan's POV

Mission accomplished! napapunta ko si Elethea dito nang walang naging duda si lolo. Kinabahan ako kanina nang nakita kong kinakabahan si Elethea kaya naman dinala ko siya sa kwarto upang muling mag ensayo at laking pasalamat ko at naka ligtas kami sa dinner.

sa ngayon nasa kwarto ako ngayon nanonood ng power puff girls. ang galing ni Blossom at bubbles! magaling din naman si buttercup kaso si blossom at bubbles lang ang madalas umaatake.  natalo nila si mojo mojo ng ganun kadali ang galing talaga!

Oo nga pala mahilig ako sa powerpuff girls, kahit cartoons pinapanood ko parin. na aatract kasi ako sa mga pambabaeng palabas, gamit, damit at kung ano ano pa lalo na sa mga pink. sana nga lang hindi ako pinagdudahan ni Elethea kanina puro pink kasi dito sa kwarto ko

Ano kaya ang magiging next plan ko para mas maniwala si Lolo na girlfriend ko talaga si Elethea??

Eh kung haranahan ko kaya sya sa school?

ehh ang baduy kadiri pa, hindi pa ako marunong kumanta!

ano kaya? hayss ang hirap mag isip ng moves para mapaniwala ko ang lahat ng tao sa paligid  na girlfriend ko talaga si Elethea

Bahala na nga. basta magiging sweet nalang ako sa kanya kahit labag sa loob ko na tawagin siyang Babe titiisin ko muna ang mararamdaman ko

*****

Edward's POV

Saglit palang nawawala si Shara pero parang namimiss ko na siya. unang kita ko palang ay alam ko na mayroon siyang magandang loob at gustong gusto ko sya para kay Thristan

At syempre nag pa imbestiga rin ako tungkol sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang background niya

Muli kong tinignan yung mga papel na nag lalaman ng mga impormasyon tungkol kay Shara

Wala na pala siyang mga magulang at mag isa lang nyang tinataguyod ang sarili niya pero may Auntie at Uncle pa sya. ang sinabi sa akin ng hinire kong imvestigator hindi daw siya tumitira sa Auntie at Uncle niya dahil ayaw sa kanya ng pinsan nya. Ang babaw naman ng dahilan non

Nag ta trabaho rin sya meron syang Best friend na kasama nya sa boarding house nya

Kaya naman nung humingi sakin ng pabor si Thristan na bigayan  ng full scholarship si Shara hindi na ako nagdalawang isip na ibigay iyon. dahil sa naawa ako sa kanya

Ahh basta gustong gusto ko siya para kay Thristan

*****

One week ago

Shara's POV

Nag aayos ako ng gamit ko ngayon dahil wala akong magawa. si Bessy umalis may date daw kayo eto ako ngayon nagliligpit pero bigla na lamang nag ring ang cellphone ko

Calling : My fake Boyfriend 

Sya : HOY BABAE BUKAS SABAY TAYO PAPASOK. HINTAYIN MO AKO JAN SA BOARDING HOUSE MO

Ako :  AYOKO BAKA MALATE PA AKO SA KLASE

Baka kasi late na siya dumating dito at idamay pa ako sa pag kalate

Sya : WAG NA WAG KANG AALIS JAN HANGGAT WALA AKO, KUNG GUSTO MONG MAKUHA ANG SWELDO MO

Shocks nakalimutan ko na hindi pa pala ako na si swelduhan ni Thristan. Ngayon ang unang week nang pag papanggap ko bilang girlfriend niya

Ako : SABI KO NGA HINTAYIN NALANG KITA EH

Yey Excited na ako....Sa sweldo ko

Sya : SIGURADUHIN MO LANG NA ANDUN KA AGAD DAHIL AYAW KO NG NAGHIHINTAY 

Secret Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon