Meet my Remaining Family

94 18 4
                                    


Shara's POV

Nandito ako ngayon sa canteen hinihintay ko si Thristan medyo konti nalang siguro yung pagkapula ng pisngi ko kasi wala nang masyadong sakit akong nararamdama. Maya maya nagtext na sya sa akin at pumunta daw ako sa likod ng University yung secret room nila.

Anu nanaman kaya kailangan non?

sa ngayon naglalakad ako sa hallway para pumunta sa secret room nila pero ang strange feeling parang may nakatingin sa akin. sinubukan kong lumingon upang tignan kung may sinong sumusond sa akin ngunit wala naman. Baka gutom lang to 'di na naman kasi ako nag almusal eh 

pagka dating ko sa sectret room narinigan ko na sila. tawa sila ng tawa at ewan parang kakaiba yung tawa ni Thristan para bang hindi tunay na lalaki lam nyo yun?. at pag kapasok ko parang biglang nag panic si Thristan meron syang tinabi sa isang case,   pink yung kulay nya. pilit kong inagaw yung case pero nabigo ako. medyo nawala yung kasiyahan nila pagdating ko feeling ko tuloy ang KJ ko.

"Hoy thristan bakit mo ako pinapunta dito?!" Sigaw ko sa kanya

"Obvious ba eh sa ayokong pumunta ng canteen eh. malamang pag pipyestahan na naman ako ng mga babae don" Umiiral na naman ang kayabangan niya

umupo ako sa sofa at kumuha ako ng tatlong cupcakes na malaki at dalawang lata ng softdrinks (Walang basagan ng trip eh sa gutom ako eh)

"Hoy babae babayaran mo yang kinuha mo" -Thristan

"Heh! anong bayaran eh ikaw nga jan ang hindi pa nagbabayad eh!" Hanggang ngayon hindi niya padin nabibigay sa akin ang sweldo ko. Buti nalang at naisingit ko pa sa usapan

"Anong bayad?" sige patay malisya ka pa jan alam ko namang alam mo eh

"YUNG SWELDO KO !!" sinadya kong isagaw yan para naman mahalata niya na sabik na ako

"ahhh okey, after" Bored na sabi nya

"Anong after ngayon na!" Hindi ko na napigilan yung sigaw ko. Bakit kaso after pa?

"Di ka naman excited noh or baka mukha ka lang na p--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya

"hoy hindi ako mukhang pera noh excited lang akong bilhan ng pasalubong sila Auntie at si Briggitte"

Kanina pa ako kinukulit ni Briggite na bilhan ko daw sya ng pasalubong pag uwi ko

"Sino si briggitte?" sabat ni Martin

"Pinsan ko bakit?"

Si Briggite pala pinsan ko. Magka edad lang kami, sobrang close din namin sa isa't isa

"wala masama bang magtanong?" Martin

"Oo kapag ikaw yung nagtanong" Pambabara ko sa kanya. Nawala bigla ang mood ko dahil sa hindi pag bigay ni Thristan sa sweldo ko

"Hahaha barado ka Bespren" pang aasar ni Kristoff

"TSE!" -Martin. Hala napikon yata

"Tara na nga! kailangan mo pang gawin yung trabaho mo" sabi sa akin ni Thristan

"Ano na naman ang gagawin ko?"

"Basta makisakay ka na lang"

Kinaladkad na nya ako palabas ng room. Kainis hindi ko pa nauubos yung cupcakes na kinakain ko!

Hinatid niya lang naman ako sa room ko at as usual yung mga girls ang sasama na naman ng mga tingin sa akin at pagkapasok ko ng room nakita ko agad si Angel at si Chezka at naka tiger look pa sila sa akin na baka mamaya sasakmalin na ako at sasampalin ulit

Secret Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon