"Meet lolo Edward"

99 19 6
                                    


Shara's POV

Nandito ako ngayon sa boarding house namin ni Bessy. nagkekwentuan kami at nakwento ako sa kanya tungkol sa  mga nangyari sa secret room nila Thristan at syempre halos mamatay na siya sa tawa. ewan ko ba pero hanggang ngayon ay hindi parin ako kumbinsido sa tunay na kasarian ni Thristan

nakwento nya rin sa akin kung ano ang meron sa kanila ni Kristoff. Mag Bestfriend pala sila. Medyo nalungkot ako kasi nalaman kong may iba pa palang bestfriend si bessy besides sa akin *huhuhu*

Pero okay lang kasi sabi nya ako daw ang best sa best.

Tinignan ko yung relo ko at napasimangot nalang

Time check 11:45 pm 

Ay nako! bukas na pala ang punta ko sa bahay nila Thristan para mameet ang lolo nya. Kinakabahan ako baka pumalpak ako dahil saglit lang kasi  kami nagpraktis ng acting ni Thristan. simpleng salita at kilos lang ang itinuro niya sa akin at ipinaalam niya sa akin kung ano ang ugali ng lolo niya and guess what?

parang ayoko nang tumuloy!.Ano kaya sasabihin ng lolo ni Thristan??

Bahala na nga si batman!

"Tulog na tayo" ani ni bessy

Tumango nalang ako sa kanya at tsaka pumunta sa kama ko. Late narin pala

*****

(At the mansion of Castillo) 

Oo mansyon na ang tawag dito grabe kasi ang laki parang mall na ata eh

simple lang ang porma ko nakasuot ako ng pink na dress, naka ayos yung buhok ko ng pusod at medyo may make up din ako. si Bessy ang nag ayos sa akin, sabi niya para magustuhan daw ako para sa apo ni lolo ni thristan. SANA

"Kaya mo to Sharalyn Elethea" Bulong ko sa sarili ko

Bumuntong hininga muna ako bago pindutin yung doorbell

*ding dong..Ding don--*

pinagbuksan ako ng magandang babae na nakabihis pangkatulong. As in napaka ganda niya. na totomboy na yata ako eh! katulong ba 'to?

"Good morning Ms.Elethea kanina ka pa po iniintay ni Sir" Sabi ni magandang babae habang malaki ang ngiti

Wow lang, kilala na ako agad dito pati katulong?

"Hello, ang ganda niyo po ilang taon na kayo?" Tinanong ko na ang idad niya kung tama ba sa itsura niya

"Ha? eh 22 mam" Aniya na napakamot pa ng batok na parang nahihiya pa

"Seriously 22? parang 17 lang po kayo promise no kidding" Hindi ko siya binobola

''Kayo naman po nambola pa tara na po" Sabay lahad ng kamay nya papasok sa bahay este mansyon

Sumama nalang ako sa kanya at dinala nya ako sa isang Garden?

oo garden tapos nandoon nakaupo yung lolo ni thristan.Waahh kinakabahan ako.Teka nasan ba yung Thristan nayon?

Nag simula na akong maglakad papunta sa kanga pero bawat hakbang na ginagawa ko ang syang bilis ng tibok ng puso ko.parang talagang nobya ako ni Thristan para kabahan ako ng ganito

Hanggang sa makalapit na ako sa lolo ni thristan. alam ko na yung itsura ng lolo ni Thristan nakita ko na kasi sya sa school remember?

"O ija anjan ka na pala ang ganda mo naman. come here have a sit"

naka relief ako onti ng makita ko ang expression ng lolo ni Thristan para siyang masaya at happy go lucky lang 

Agad naman akong umupo sa bakanteng upuan katabi ng Lolo ni Thristan

Secret Love Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon