Shara's POV"I like your family" binasag niya ang katahimikan ng sabihin nya yung salitang yan pero ano daw?
"Ha?"
"I said i like your family, can we go there again?" Tanong nya habang nakatuon parin ang tingin sa daan
Ang tinutukoy niya ba ay ang bahay nila Auntie?
"Ha? paano mo naman nasabi na gusto mo sila?"
"I like your Auntie" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya
Kaya ba wagas sya kung makatawa kanina? Kaya ba gusto nya doon matulog kagabi at kung bakit si Auntie lang ang kausap nya lagi ay dahil sa..
May gusto sya sa kanya?!
"What?! May asawa na kaya si auntie!'' Letse to aagawin pa si Auntie kay uncle
"No not like that.. I like your Auntie and the rest of your family. your cousin Erica not much masyado siyang maldita kung umasta" Medyo natawa ako sa sinabi niyang maldita si Erica. hindi ko naman siya masisisi kung ganoon na lamang ang tingin niya. At buti naman at wala siyang balak na agawin si Auntie kay Uncle
"Ganun talaga yun si Erica wag mo nalang pansinin. Bakit mo naman sila nagustuhan? bakit wala ka bang pamilya?" Curious lang ako. Wala pa akong nakikilalang magulang niya at wala siyang nababanggit
"I have"
"Yun naman pal--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko na lang si Thristan na malungkot ang mukha at tila biglang nanlambot ang sarili ko sa nakita
"I- i just.. i've never experienced that such a happy family" bakas ang lungkot sa mukha niya
"Ba-bakit naman?" Ano bayan pati ako nauutal!
"Nothing"
"Dali na kasi. alam mo uso maglabas ng sama ng loob"
sama agad ng loob? wala lang feeling ko lang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi
"Since nasimulan mo na ituloy mo na. tsaka mag kwento ka naman sakin tungkol sa'yo wala man lang akong alam tungkol sayo" Ani ko
Nagbuntong hininga muna siya sabay "Fine"
"Yes!" Ganon na lamang ako na excite (Sorry na OA lang)
"i've never experience that such a happy family dahil kahit kelan hindi ako nakaranas ng ganong kasayang pamilya"
"tinagalog mo lang eh" Pabulong kong sabi. Tinagalog lang niya ang sinabi niya kanina eh
"What?" Tanong nya sa akin. Hindi nya siguro narinig yung bulong ko
Bulong nga eh!
"Wala.. bakit naman? nasan na ba yung parents mo?"
"Hiwalay na sila 3 yrs ago"
*katahimikan* natahimik ako saglit hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos. pag dating sa magulang natatameme ako
"Psst ayos ka lang?" Tanong niya habang nakatiningin sa akin
"Ha? Oo naman, Bakit hindi ka ba nagkaroon ng happy memories noong di pa sila naghihiwalay?"
"None" sa tono ng boses nya parang iiyak na sya ng wala sa oras
"Paanong wala?"
"Kahit kelan di ko sila nakitang naglalambingan. kahit kelan hindi nila ako dinalaw sa skwelahan ko. kahit kelan di ko naranasan na mahalin ng isang magulang"
BINABASA MO ANG
Secret Love Between Us
Teen Fiction*Isang abnormal na paggpapanggap na nauwi sa pagiibigan..