Shara's POVNandito ako ngaun sa kwarto namin ni Eva pero magkaiba kami ng kama. Nakatulala lang ako sa pinapanood ko ngayon, hindi ko tuloy naintindihan yung storya
Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin kay bessy na may boyfriend na ako, I mean Fake boyfriend pala. Diba nga may promise kami pero nasira ko
Dapat kasi 18 years old pa ako bago mag boyfriend
"Nasira ko!!" shocks naisigaw ko
napatingin naman si bessy sa akin at syempre pupunta yun sakin
"Anong nasira mo ha?! at tsaka kanina ka pa wala sa sarili mo ano bang nangyayari sayo?" Ayan na nag tatanong na siya di ko tuloy maiwasang mag panic
"A-ano kasi naka-nakasira ako ng gamit sa school kanina kaya.." Pag dadahilan ko
Ano bayan bakit ba kasi hindi ako marunong mag dahilan
"kaya ano?!" Sigaw nya
Galit na agad at kailangan pang sumigaw?
"Ano kasi...Wow bessy ang ganda ng palabas oh girl boy bakla tomboy tara nood tayo nakakatuwa ito siguro tara!"
Buti nalang saktong nanonood ako ng palabas ngayon at yun nalamang ang naisip kong dahilan
Umupo naman sya sa tabi ko at tsaka tumingin sa akin ng diretso
"Hoy babae ka alam ko kung nagsisinungaling ka at tsaka wag mong iibahin ang usapan ano ba talaga ang nangyari ha?!" Sabi nya ng dinuduro pa ako
Hindi ko nalang siya pinansin bagamat tuloy parin ako sa panonood kahit na wala akong maintindihan
"Wahahahahaha...hahahahaha haha--- ano ba bessy nanood ako eh" At ang babaeng 'to ang bastos kitam na nanonood ako eh
Bigla nalang nya kasing pinatay yung Tv
"isa pang iwas mo sa usapan itatapon ko lahat ng Batman dito sa kwartong to"
Bigla nalamang akong napatayo sa upuan ng marinig ko ang sinabi ni bessy. Basta pag dating kay batman lahat gagawin ko
at mukhang di ko na matatago sa kanya ito, at tutal bilang isang dakilang bestfriend kailangan niyang malaman ito
"sya sige magkikwento na ako pero promise mo wag kang magagalit ha"
'' O ano nga ang nangyare?"
" Ma- may meron na ako kasing ano eh..ano..yung ano..ah yung an-" Hindi ko magawang sabihin sa kanya kasi yung porma palang mukha para na siyang mangangain ng buhay
*BOOGGHSS*
"Bakit binatukan mo na naman ako nakakailan ka na ha!" Inis kong sigaw sa kanya
Nakakailang batok na siya sa akin ngayong araw eh
"Para dumaretso ka na jan sa pautal utal mong salita. So ano nga?" excited much?
"Mayboyfriendnaako!" Mabilis pa sa motor na sabi ko
Yes! nasabi ko na rin sa wakas. Medyo nakahinga na ako ng maayos
"Huh?" Taas kilay nyang tanong
"Bahala ka basta ako nasabi ko na, ikaw tong bingi eh" ani ko
Kitang kita ko yung inis sa mukha ni bessy. Ganon ba sya kabingi para hindi nya narinig?
"ANO NGA?! BAGALAN MO YUNG SALITA MO!" This time nakatayo na sya sa harap ko at nanlalaki ang mga mata sa akin
BINABASA MO ANG
Secret Love Between Us
Tienerfictie*Isang abnormal na paggpapanggap na nauwi sa pagiibigan..