Shara's POV
"This is my girlfriend"
Bigla nalang akong nagulat ng marinig ko yang salitang yan sino banamang hindi?
Nabangga ka lang niya girlfriend na? ni hindi mo siya kilala at walang kang alam alam sa kanya
"A-anong girlfriend ni hindi nga kita kil---" bigla nalang nyang tinakpan ang bibig ko at hinatak ako palayo, bastos lang ba kung tawagin o dapat FC? (Feeling close)
"Bye lolo see you later" Pahabol niya sa matanda
Hinatak at kinaladkad nya ako paalis sa matanda. Nang makalayo na kami napunta kami sa isang room na wala ng katao tao dahilsiguro sa uwian na. parang wala sa pagiisip ang lalaking to ano bang sinasabi nya nakakabanas ha ang sarap sapakin!
"Ano bang sinasabi mo ha anong girlfriend eh hindi nga kita kilala noh" Sabi ko sa kanya ng bitawan nya na ang kamay ko
Hindi porket gwapo siya ay papayag na akong maging girlfriend niya ng ganon ganon lang, syempre may dignidad din naman ako noh!
"Basta simula ngayon girlfriend na kita" Aniya
Wait! *Brain Processing*
Pagkatapos mag process sa utak ko ang sinabi niya agad tumaas ang kanang kilay ko. Ano ako tanga para pumayag sa sinabi niyang girlfriend niya ako?!
"Wait! what did you just said?" Ang totoo alam ko naman ang sinabi niya gusto lang ulitin niya ng mabara ko siya medyo matagal kasi nag process ang utak ko eh (Sorry naman)
"I said Girlfriend na kita simula ngayon" Sabi nya ng diretsong nakatingin sa akin
"Who are you to say that?" nakakapag english tuloy ako ng wala sa oras
"Why is there a problem being my girl?" Aniya
Ano tinatanong pa ba 'yun?! malamang may problema tanga ba siya o nagtatanga tangahan lang?
"Oo at wala akong balak maging Boyfriend ka noh!"
"As if naman na balak din akong maging girlfriend kita"
Kakasabi lang niya na girlfriend niya ako tapos sasabihing walang balak anu yun?
Naka drugs ba tong taong toh?!
"Kailangan lang talaga kitang maging Girlfriend simula ngayon. Kahit hindi official basta mag panggap ka lang ng Girlfriend ko" Dagdag pa nya
"Bakit aber?" Sabi ko ng naka pameywang
"K-kasi..." Parang nag dadalawabg isip sya kung sasabihin nya ba o hindi
Basta kahit anong rason nya wala akong pake
"Kasi ano?" Tanong ko sa kanya, Kainis anong oras na baka naunahan ako ni bessy umuwi. Lagot na naman ako dun
"Personal reason" Sabi nya na may lungkot sa mukha
Tss bahala siya basta ako ayokong maging boyfriend siya kahit gwapo pa
"Mag hanap ka nalang ng iba"
At nag martsa na ako palabas na room pero bago pa ako
makalabas ng pinto sumigaw siya dahilan ng pag hinto ko"5 000 pesos a week plus full scholarship!" Sigaw nya
Para saan naman yun?
"para san naman yan?"
BINABASA MO ANG
Secret Love Between Us
Teenfikce*Isang abnormal na paggpapanggap na nauwi sa pagiibigan..